Friday, March 13, 2009

Ikalabing-isang Bahagi ng Ikalawang Serye (II:11, 2009 Nobyembre)

Alin ang hindi itinuturo sa silid ng mga batang mag-aaral? Inaasahang tulad ng isang ama sa kinagabihan, bukas at may toothpick ang kanyang mata kahit dama ang kaantukan habang nakikipaglaro sa kanyang tatlong taong gulang na anak at nakikipagpasahan ng bola sabay bilang ng isa, dalawa, tatlo. Bukas ang diwa ng laybraryan, 24/7, upang mapagsilbihan ang balana at makatuklas ng mga kaisipan at pamamaraan upang handugan ang lahat ng sorpresa salik ang serbisyo at koleksyon ng kanyang laybrari o aklatan.

Kaylaki ng magagawa ng mga kawani ng laybrari gamit ang IL campaign sa lumalalang extrajudicial killings o enforced disappearances sa bansa. Nararapat na nakakintal sa kanilang isipan na sa araw-araw, ayon sa pag-aaral: one Filipino falls victim to extrajudicial execution everyday (Simbulan, 2006). At sapagkat may mga materyales na natatanggap o mga tagapagsalitang maiimbitahan, bigyan ng panahon ang isang forum o diskusyon, pormal man o hindi ang pagkakaayos, na nakatuon sa kinakailangang pag-iingat at kamalayan patungkol dito. Manawagan sa mga grupo ng mag-aaral na masugid dumadako ng laybrari at bigyan sila ng kanya-kanyang pagkakataon na mapagyaman ang sarili di lamang bilang mga taga-organisa kundi bilang confederates ng mga mithiin ng laybrari. Maari rin namang magsimula sa paisa-isang mag-aaral at magkapalagayan ng loob patungkol sa mga desaparecido sa Pilipinas at ibayong dagat man. Mula sa personal na pag-eebanghelyo sa isang tagapakinig na mag-aaral, sanayin ito at hikayatin sa mas pro-aktibong aktibidad sangkot ang isa pang kapwa mag-aaral.

Bilang panimula, magkaroon ng kopya ng Reclaiming Stolen Lives, Healing Wounds, Mending Scars at CD. Libre ang mga ito gawa ng AFAD or Asian federation Against Involuntary Disappearances. Palawakin ang pundasyon sa mga datos ng kasaysayan, estadistika ng FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearnce) o ng KARAPATAN, basahin ang mainit-init pang isinulat ni Francis Isaac na The Long Road to Justice: Enforced Disappearances in the Philippines at ilabas o ipahanap at kolektahin sa mga miyembro ang mga natatagong clippings mula 1971 hanggang sa kasalukuyang taon at magkaroon ng portfolio na isinasaalang-alang ang apat na mahahalagang proseso – koleksyon, organisasyon, refleksyon, at presentasyon (Wyatt III and Looper, 2004).

Ang maapoy at mabungang pagsasanggunian sa isa’t-isa ng laybraryan at mga piling indibiduwal ay tagpuan para sa magkabilang panig upang maisakatauhan ng malaya at otentiko ang dinanas, dinaranas at dadanasin pa ng mga biktima ng extrajudicial killings o enforced disappearances sa ibabaw ng kalupaan tungo sa mas malawak na pagkaunawa sa usaping kalupitan ng ilan.

Pakatatandaan na ito ay maaring gawin kahit ilan lamang ang kasapi sa grupo ngunit mas mainam kung 2 hanggang sampu ang makukuhang interesadong mag-aaral, pribado man o pampubliko. Ang mga mag-aaral angkin ang napakayamang karanasan mula sa kanilang laybraryan ay mababanaagan ng tatlong mga susi - kolaborasyon, liderato at teknolohiya - ng kanilang mga tagumpay gamit ang mga desaparacido bilang backdrop ng pagkatuto.

No comments: