Isang malaking e- board bilang durungawan at espesyalista ang nagsisilbing greeter sa bulwagan ng laybrari sa pamantasan tampok ang mga kuwento hango mula sa Growing in Courage: Stories for Young Readers ni Pamela Pollack, libreng babasahin na pinamamahagi ng Thomas Jefferson Information Center (TJIC) ng United States Embassy sa Roxas Boulevard, Maynila sa pangunguna ng kanilang Direktora na si Bb. Reyza Alenzuela.
Makulay at tila may buhay ang elektronikong durungawan at inilalantad nito ang mga biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at tugon sa tanong na may kaugnayan sa labing-isang natatanging salaysay ng mga mahahalagang karanasan ng mga bata. Halimbawa, may kakatawang animasyon o gumagalaw na larawan ang batang negro na si Bud at ipinapakita nito ang napakatulin niyang pagtakbo hawak ang red pop, mustard sandwich at mansanas habang nanlilisik at duguan ang pangil ni Mr. Lewis. Programa ito ng mga laybraryan upang maakit ang sinuman at magtanong ng iba pang detalye sa kawani ng laybrari na nakatalaga upang pukawin ang taglay na S.H.E. ng Bud, Not Buddy ni Christopher Paul Curtis at sa banding huli ay makatamo ng puntos sa aspeto ng Information Literacy.
Ginaganyak ang lahat na iklik ang aykon o Avatar ng isang batang nakatrahe do boda na tila umaawit ng pagkadismaya sa bawat manliligaw na di niya gusto. Matutuklasan na iisa ang mukha nito at ito ay si Lord Murgaw o Shaggy Beard – ang lalaking di niya pangarap makapiling habambuhay. Ang kakaibang iyak na maririnig at kahabaghabag na itsura ni Catherine sa durungawan ay sapat na upang maakit ang tatlo o apat na mambabasa upang dumako sa opisina ng isang laybraryan at alamin ang paghihinagpis ng bata sa Catherine, Called Birdy ni Karen Cushman.
Gamit ang teknolohiyang hatid ng electronic white board, isang pampanitikang hypermedia ang itinatanghal upang maging daluyan at tulay ng pakikipagtalakayan ng mga kawani sa mga interesadong kliyente ng laybrari. Isa-isa at ipakikilala ng laybraryan sa tulong ng kanyang laptop ang apat na miyembro ng The Souls mula sa The View from Saturday ni E.L. Konigsburg at kung paano ang bawat isa nasangkot sa di inaasahang kaguluhan habang ipinapalabas sa entablado ang Annie.
Maasahan na ang laybraryan ay may handang mga larawan ng mga tauhan mula sa labing-isa at aanyayahan ang mambabasa na hulaan at markahan ng tamang emosyon upang magamit ito sa pagpapanatili ng kawilihan sa pakikinig at pakikipagtalastasan patungkol kina Eldora at Lucia, Tree-ear, ang magkakaibigang Nadia, Ethan, Julian, at Noah, Catherine at Aelis, Ned at Bud, Shabanu at Phulan, Jack at Tomi, Nhamo, at ang mag-anak na Jolly, Jilly at Jeremy.
Ilan sa mga maaring pampagising ng imahinasyon para sa interesadong mag-aaral gamit ang sining ng pagtatanong:
Paano mo haharapin ang pagpapasiya ng iyong mga magulang patungkol sa iyong nalalapit na kasal?
Nararapat ba na ang mga magulang ang pumili ng makakasama sa buhay ng kanilang mga anak?
Anu-ano ang mga paghihinagpis at pangarap mayroon ang isang bata na ulila na sa kanyang mga magulang? inabandona ng mga magulang?
Mas higit ba ang benepisyong dulot ng digmaan sa sangkatauhan noong 1945?
Handa na ba ang labingpitong gulang na babae o lalaki sa pagpapamilya?
Sa anong sitwasyon ng iyong buhay mailalarawan ang iyong labis na pagpupunyagi?
Ang mga payak at minsanang pagkakataon at pagtatagpong ito ng magkabilang panig – laybraryan at kostumer – ay simula ng kauhawan sa isa’t-isa na masundan muli ang naganap ng panimulang gawain o programang durungawan iniladlad ng e-white board.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment