Monday, June 1, 2009

Unang Bahagi ng Ikatlong Serye (III: 1, 2010 Enero 15)

Tamang-tama na mabatid ng isang associate librarian ang kalawakan ng kanyang gawain bilang isang fakulti sa pagdalo sa isang oryentasyon na may kaugnayan sa pangkalahatang VMG ng institusyong DLSU. Isang kumpletong pakete ng kaalaman: alituntunin at pamantayan na may kaugnayan sa academics, research, registrar, librari, DO, helpdesk ng ITC at Center for Educational Multimedia-ASIST, asosasyong pangguro at sweldo ang ibinahagi ng mga kinauukulan upang mailahad ang ninanais na direksyon para sa isang termino, buong taon o hanggang sa pagdiriwang sentenyal ng pamantasan sa 2011. Ipinamalas ang transformative learning philosophy at inilarawan ito ni Dr. Julius B. Maridable. Hiniling ng vice chancellor for academics and research sa mga guro na maging responsable para sa sariling paglago bunga ng mga pananaliksik at scholarly outputs. Idinagdag pa niya na sinumang nagmamahal sa kanyang trabaho ay pinahahalagahan. Napakahusay din ang pagpapakilala ng mga abala sa programa sa buhay ni St. John Baptist De La Salle, video clips na may audio, mga inspirasyunal na pananalita at mga gabay ukol sa pagiging gurong Lasallian. Napakalaking hamon ito sa mga associate librarian, kasama ng mga iba pang guro, na tunay na kaisa sa mga adhikaing binubuno ng lahat na napabilang, bago man o datihan na.

Halimbawa, ang Pito-pito: Seven Key Events in De La Salle’s Life and Mine ay isang pagtatangka ni G. Julius Pre na mailahad ng bawat isa ang mga innermost wishes, sentiments at desires ayon sa hanay na sumusunod gamit ang patron ng mga guro bilang huwaran:1 Inspiration 2 Personality 3 Family 4 Society 5 Heroic Confession 6 Challenges 7 Surrender to God’s Will- sa grupong kinabibilangan. Ang karanasang ito ay naglalayon na magsilbing instrumento ang bawat nakadalo na magkaroon ng angking vision at maisakatuparan ito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikipagtalakayan ng mga estudyante. Inaasahang makapag-aambag ito sa misyong pangkasalukuyan ng mga Lasallian: teaching minds, touching hearts at transforming lives.

Mula sa grupong kinabilangan: 1 modelo ni Vina ang kanyang kuya 2 maihahalintulad si Celito kay St. John sa kasipagan nito sa simbahan 3 nadama ni Ismeg ang kagalakan ng kanyang pamilya noong siya ay seminarista pa 4 regular at higit pa sa trabaho ang turing ni Marla sa immersion kasama ang mga terminally-ill, poverty-sticken at iba pa 5 Ben confessed that taking up Library Science as a course was heroic and he intends to be one super librarian to whoever needs his help as info specialist 6 ang pagiging Sagada trip organizer sa dalawampu o higit pa ay kakailanganin ng tamang pag-uugali at kasanayan ng isang edukador sapagkat, ayon kay Elijah, isa itong uri ng kawili-wiling adult education program 7 ikinuwento ni Mina ang mapaghamon na testimonya ng kabaitan ng Dios kay Melba bilang isang asawa ng isang pastor na dati’y isang pasuwelduhang engineer.

“God engages the world,” banggit ni Br. Armin A. Luistro bilang presidente at chancellor ng DLSU. Ito rin ay kanyang paghikayat sa mga guro na ganapin ang karanasang ito sa loob ng isa at kalahating oras habang kapiling ang mga estudyante anumang kurso ang itinuturo. Magiging reflektivo din ito sa saan mang lugar ng pamantasan kabalikat ang mga associate librarian ng silid-aklatan.

Maaaring simulan ang lahat sa isang disiplina. Gamit ang The Six-Decade Rosary of the Lasallian Family at rosaryong gawa sa kahoy na bigay ni Br. Armin, manalangin at wikain:

“Let us remember that we are in the holy presence of God.”

“I will continue, O my God, to do all my actions for the love of you.”

“Live Jesus in our hearts forever!”




Ang tatlong maiikling mga panalangin ay halaw mula sa Living the Lasallian Spirit: Our 3 Lasallian Prayers ni Br. Michael Valenzuela FSC. Ang manunulat ay partisipante sa nakaraang Faculty Orientation: First Term, Academic Year 2009-2010, May 29-30, 2009 sa Ariston Estrada Seminar Room (L126), De La Salle University, Taft Avenue, Manila.

No comments: