Sunday, January 11, 2009

Unang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 1, 2009 Enero 15)

Mapapakinabangan ng bawat laybraryan ang pagpapamalas ni Michael Stephen ng isang balangkas upang makabuo ang sinuman ng isang rubikong presentasyon ng isang onlayn or web-based reader service na hindi lamang naglalaman ng serbisyong puro teksto o karaniwang higit pa dito bagkus nagtataglay ng karagdagan at marami pang inobasyon.

Isang klasikong rubiko, Cube o bloke na maaring buuin na mahihinuha sa konseptong hyperlinked library ni Stephen ay maaring hati-hatiin sa anim na mukha na may siyam na padikit ang bawat isa na may pare-parehong kulay. Kinakailangan lamang na ang bawat mukha ng bloke ay buo at iisa na lamang ang kulay (Wikipedia, 2009):

White, The Library is transparent; Red, The Library is participatory and harnesss user-generated content; Blue, The Library tells stories; Orange, The Library plays; Green, The Library makes connections; Yellow, The Library learns (http://tametheweb.com/)

 Maaring patuloy na maragdagan nito di lamang ang pagtaas ng bilang ng mga indibiduwal na dumarako sa mga elektronikong pagmumulan ngunit pati na rin ang isang porsiyento sa kasalukuyan na ang inuunang tangkilikin ay ang elektronikong sayt ng laybrari.

 Nahahayaan at pinauunlakan ang mambabasa na maging modereytor o content provider sa isang padikit bilang diretsong pagpapahalaga sa maaring magawa nila sa serbisyong onlayn ng silid-aklatan o laybrari.

 May sariling sayber-kansilor ang sayt ng laybrari upang siyang maging tagapakinig sa anumang virtuwal na kalagayan mayroon ang kostumer na umaasang matutunghayan ang impormasyong nililiyag.

 Ang istilo ng komunikasyon ng laybrari ay bukas at hindi kailanman nakikipagtaguan, pinid o may tabing dahil ang bahay-gagamga ay hayag, otentiko ang pakikipag-ugnayan at ganap bilang isang komunidad.

 Pinayayaman nito ang karanasan ng bawat kasapi dahil na rin sa mga inobatibong serbisyo at pagsisilbi bilang daluyan ng mga talakayan, plataporma, at pagpapakilala di lamang ng mambabasa kundi kasama pati ang mga kawani ng laybrari.

 Inilalahok nito ang lahat sa isang pakikipagniig tungo sa kolektivong katalinuhan o kaalaman bunga ng pagiging newbie na may angking kasabikan, mga sariwang ideya at may kahandaang lumago sa bawat pakikipagsapalaran gamit ang sayt ng laybrari.

Ang presensiya rin ng laybrari sa virtuwal na kalagayan di lamang sa kanyang kasalukuyang katayuan ay isang hamon tungo sa kagila-gilalas na mundo, ang Ikalawang Buhay o Second Life. Ang inisyatibo sa pagbili ng virtuwal na lupa o karapatan sa Ikalawang Buhay o Second Life ay isang katangi-tanging at inaasahang programa na kalulugdan lalong higit ng mga indibiduwal na gustong-gusto ang ang biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at kalantaran ng kaalaman bilang tugon sa anumang katanungan.

Monday, November 17, 2008

Ikalabingdalawang Bahagi ng Isang Serye

Inaasahan na matutunghayan ninuman ang mga serbisyong pang-aklatan na mayroon ang laybraryan para sa kanyang mga mambabasa sa Internet o bahay-gagamga.

Bahagi sa mga gawain ng laybraryan ay ang mga malikhaing pamamaraan upang maganyak ang mga tao na hanapin at tugunan ang mga pangangailan sa impormasyon saan man sila naroon. Hinahayag ito ng mga manggagawa ng mga silid-aklatan bilang readers services. Isang malaking puntos para sa isang silid-aklatan na handugan ang publiko ng mga katalogo at mga elektronikong panggagalingan o websites, dyornal, paksang patnubayan at iba pa ang kanyang mga mambabasa.

Maipabatid nawa nito sa lahat ang isang hiling ng isang ama:

maging palabasa sana si Julia bagama’t siya ay dalawang taon pa lamang ng sa gayon siya ay maging dalubhasa rin sa kultura. Unang larawan kanyang nakita ay mula sa akdang sinulat ni Luis Gatmaitan at ito ay ang Aba, May Baby sa Loob ng Tiyan ni Mommy!. Tuwang-tuwa si Julia tuwing bubuklatin ito ng kanyang ina. Pagkakita sa larawan ng nagdadalang-taong babae, kanyang titignan ang aking asawa at sabay ngiti pagkatapos sulyapan ang tiyan nito. Ayon sa ama, “si Julia ay bunga ng isang pangarap at hinihiling na sana ay walang depekto sa katawan…”

Katulad ng ginagawa ng ilan, may talakayang nagaganap sa tulong na rin ng Internet. Dito di naiinip ang karamihan - mga estudyante sa kolehiyo bilang halimbawa - at di maiksi ang pasensiya sa talakayan. Ang biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at tugon sa tanong ay mga hamon sa laybraryan upang mailantad kaagad kung anuman mayroon ang kanyang silid-aklatan upang mapagsilbihan ang nagangailangan. Ang kaalamang mayroon ang laybraryan sa koleksyon at proseso ng panaliksik ay nararapat lamang na mapaghuhusay pa gamit ang mga libre o may bayad na teknolohiya.

Nawa’y pakatatandaan ng bawat laybraryan na ang karamihan sa ating mga tagatangkilik ay may kakaibang ekspektasyon - format agnostic, nomadic, multitasking; paraan sa pagkatuto - experiential, collaborative, integrated; at paniniwala - principled, adaptive, direct sa paggamit ng impormasyon Abram at Luther, 2004).

Friday, October 10, 2008

Ikalabing-isang Bahagi

Ang library poverty ay bunga rin ng inobasyon. Ayon kay Luecke (2003), ang inobasyon ay maaring makasira sa kadahilang maraming institusyon ang hindi nagtatagumpay na makasabay sa mga inobasyon at nawawala na lamang unti-unti na siya namang pinatotohanan ng Harvard Business Essentials (2003).

Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga elektronikong dyornal sa mga silid-aklatan. Kakailanganin ng isang pang-akademikong silid-aklatan ang higit sa sampung libong dolyar o limang daang libong piso para magkaroon ng elektronikong dyornal sa pamagitan ng isang pagtutulungan, alyansa o consortium ng limang pampublikong paaralan. Maliban dito ay ang pagbabayad ng karagdagang limang porsyento o 480 na dolyares o mahigit na dalawampung libong piso kada taon upang magkamit ng karapatang makapagbukas, makapag-eksplor at makagamit ng pangkasalukuyang bilang na 175 na elektronikong dyornal na gawang banyaga.

Pagtuunan ng pansin: pitong porsiyento lamang sa mga elektronikong dyornal na nakalista ang may kaugnayan sa Health Care Management, walo para sa Education Management at 85 ay Business, Management at Information Technology. Ang mga naunang nabanggit na porsiyento ay napakaliit sa inaasahang benepisyo na matatangap o siyang tutumbas sa halagang igugugol sa mga elektronikong dyornal ng mga paaralang ang konsentrasyon ay edukasyon at kalusugan.

Halos lahat ay walang sapat na badyet para sa sa mga elektronikong database
at ito ay nabanggit minsan ni Hickok (2007) mula sa daan-daang panayam na kanyang nagawa . Kahit na nga ang isang koleksyon na nagkakahalaga ng 4,050 na dolyares o 186,300 na libong piso para sa labing-apat na elektronikong dyornal pangkalusugan at medisina ay di mabibili para sa aming kliyente dahil sa mayroon lamang kaming 67 posiyento nito na nakalaan para sa e-journals at di pa kasama dito ang nabanggit na limang porsiyentong dagdag bawat taon na 202.50 na dolyares o 9, 315 na libong piso.

Mahigit labingtatlong libo o 289 na dolyares bawat dyornal na lubhang napakamahal kumpara sa kopyang papel na hinahahanap ng 9 sa sampung mananaliksik sa silid-aklatan tubing Sabado.

Tinanong ko minsan ang isang BSE na mag-aaral na naghihiram ng libro patungkol sa saligang batas. Nakagamit ka na ba ng e-journal? "Di pa po! Ano po yon? First year pa lang po ako!" tugon niya.

Thursday, October 2, 2008

Ikasampung Bahagi ng Isang Serye

Pinakaiibig ng isang laybraryan ang copyright law ng bansa. Upang maiwasan ang anumang uri ng paglabag sa batas, ang Republic Act 8293 ay isang sandigan upang maging palagay at walang agam-agam ang laybraryan sa gitna ng pagpapasiya na may kaugnayan sa patas na karapatan ng manunulat at ng mambabasa.

Nakatutuwang pansinin ang bagong video na gawa ng DLSU para sa kanilang library orientation na may kaakibat na paalala patungkol sa copyright law. Ito ay mapapanood din sa tamang panahon kung bubuksan ang http://www.dlsu.edu.ph/library/ at nawa’y tularan ng lahat ng mga nakasaksi at maaring tanggapin bilang panimulang pagpapahayag at pakikiisa laban sa walang habas na duplikasyon o replikasyon ng mga babasahin (elektroniko man o hindi) na ayon sa ilan ay nagyayari dahil na rin sa ito ay ginagawa ng karamihan, pagsasamantala dahil walang nakakakita, at minsan lang naman bilang rason ng iba .

Maliban sa pagbebenta ng manlilikha o ng isang tagalimbag, ang pagpapaalam, pagsusupling o pagpapahiram sa publiko ng isang orihinal na kopya ay isang paraan na rin upang tangkilikin ang pagkabuo ng isang akda. Ang mga laybraryan taglay ang yaman ng silid-aklatan, gamit ang kanilang sining at disiplina, ay may laang proteksyon sa mga orihinal na akdang intelektwal sa artistikong larangan o pampanitikan gawa man ito ng gobyerno, isang indibiduwal, may kasugpong sa pagsulat o kolektiv at iba pa.

Mainam na basahin muli ang kabuoan ng Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act No. 8293 na maaring matagpuan sa http://www.photo.net.ph/ipcode/ at bigyang pansin ang Section 188 patungkol sa Reprographic Reproduction by Libraries.

Mula sa mga pamantayang nakalagay sa kanilang web sites, apat sa sampung unibersidad sa Pilipinas ang hindi pumapayag sa pagseroks ng mga di-nalimbag tulad ng tesis at disertasyon (SPUQC;ISU;ADNU;TUP) habang dalawa dito ay pinahihintulutan ang kanilang mambabasa na makapagseroks ng abstract, review of literature, at bibliography o ng labinlimang pahina lamang mula dito para sa mga mananaliksik mula sa graduate program (UPLB;UST). Apat sa kanila ay nagbibigay ng oras upang makapag-photocopy ang kanilang kliyente sa loob ng labinlimang minuto (BulSU); tatlumpung minuto (TUP;ISU); at isang oras (CDU). Limitado rin kung djornal naman. Dalawang artikulo lamang sa bawat isyu (IRRI) at sampung porsiyento naman ng libro ang pwedeng iseroks (SPUQC). Isa sa sampu ay kawani ng silid-aklatan ang nag-seseroks at hindi ang kostomer o ang sinuman.

Friday, September 19, 2008

Ikasiyam na Bahagi ng Isang Serye

Walang nakapasa sa ginawang classification literacy test para sa L o Education information sources na may 60 porsiyentong mag-aaral mula sa ikadalawang taon at 40 porsiyento naman mula sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon. Natamo ang 65 porsiyento bilang pinakamataas nang puntos o tatlong tamang sagot na lamang ang kinakailangan upang maipasa ang nabanggit na literacy test. Ang pagsusulit na ito ay isang parte lamang sa ginagawang pananaliksik tungo sa pagsuri, pagkilala upang makamit ang isang hanay ng mga inaasahang kaalaman o learning outcomes sa pagtantiya sa karunungang mayroon ang mga mag-aaral patungkol sa klasipikasyong Library of Congress, lalung-lalo na ang L o klasipikasyong Edukasyon sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon.

Umaasa ang ACRL o American Library Association na ang isang indibiduwal na may literasiya sa impormasyon ay nakakapili ng pinakatamang sistema sa pagkuha ng mga ninanais na impormasyon. Ito ay isang indikasyong hinihingi sa pagganap ng mga pamanatayan ukol sa mga kasanayan para sa Information Literacy at inaasahang ipinamamalas na mabuti na may kagalingan ng bawat mag-aaral.
Natuklasan na isa sa mga pinakamahirap na aytem ay ang pagkaalam sa kasalukuyang bilang o dami ng bibliographic entries na mayroon ang elektronikong katalogo o talaan sa Edukasyon. Kasama dito ang pagkaalam din sa bilang ng mga sangay ng karunungan na nakaugnay sa klasipikasyong Library of Congress; di matunghayang gamit ng I, O, W, X at Y; at interpretasyon ng decimal point sa paghanay ng mga libro at ibang babasahin sa istante.

Batid ng mga mag-aaral na ang L ay ang tamang letra o klasipikasyon na may kaugnayan sa kursong Edukasyon at hindi H - para sa mga agham panlipunan- o P - para naman sa lingguwistika at literatura. May kamalayan ang mga mag-aaral na hindi nahahati sa sampu lamang ang klasipikasyong kanilang nakikita sa aklatan bagaman hindi alam na ito ay binubo ng dalampu’t-isang sangay mula sa klasipikasyong Library of Congress sapagkat mas hayag sa kanila ang sistema at klasipikasyong Dewey Decimal mula elementarya hanggang hayskul.

Nakatutuwang banggitin na 50 porsiyento sa mga mag-aaral ay alam kung ilan ang bibliographic entries na mayroon ang elektronikong katalogo o talaan ang ALLAN C. ORNSTEIN, manunulat ng Strategies for Effective Teaching. Maging ang libro na ang pamagat ay The Magna Carta for Public School Teachers ay naihahanay at nakapuwesto nga sa LB at hindi sa LA.

Mahihinuha mula sa dalawampung aytem na inihanda ang mga kahinaan at kalakasan patungkol sa kamalayan o kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon gamit ang L o klasipikasyong Edukasyon.

Pagpapatunay at bilang isang halimbawa, Teaching Science as Continuous Inquiry, Rowe ay matatagpuan sa LB 1585 ng klasipikasyong Library of Congress habang ang Essentials of Elementary Science, Dobey ay nakahanay sa Q 181. Parehong silang nakategorya bilang mga Science information sources sa DDC ngunit may pagbabago kung ang gamit naman ay LC.

Thursday, September 4, 2008

Ikawalong Bahagi ng Isang Serye

Ang pagkakaroon ng isang kurso tulad ng Introduction to University Life ng California State University o Introduction to Lifelong Learning bilang programa para sa mga mababa at mataas na paaaralan sa Pilipinas ay hudyat upang maisakatuparan ang pagyakap ng mga laybraryan sa kampanyang kinakailangan ng Information Literacy.

Ang teacher identity ng laybraryan ng anumang tanggapan ay lubhang maitataguyod dahil na rin sa ang pagtuturo, ayon kay Rockman (2004), ay isang katangi-tanging inaasahang kasanayan na mayroon ang propesyong laybraryan sa kasalukuyang panahon habang dumarami ang hamong nakaakibat sa paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon mula sa walang tigil na pagdaloy ng iba’t-iba at nagbabagong pagmumulan – elektroniko man o tradisyunal – na siyang haharapin ng lahat ng tao. Nakapaloob sa konsepto ng teacher identity ang maraming salik tulad ng preparasyon sa pagtuturo, suporta ng administrasyon, multiple demands at stereotyping bilang isang guro at laybraryan. (Walter, 2005)

Bagamat abala ang mga laybrayan sa pagdidisenyo ng kanyang serbisyo - paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon at metadata – ang katangi-tanging inaasahang kasanayan gamit ay teaching portfolios ay ginagantimpalaan din at magbubunga ng tagumpay para sa kampanya ng Information Literacy hatid ng isang malusog na kultura ng pagtuturo o healthy culture of teaching sa organisasyong kinabibilangan.

Nararapat lamang na bigyan-diin o palalimin pa ng laybraryan ang kanyang nalaman sa pedagogiya, banghay sa pagtuturo at ebalwasyon ng pagkatuto ng mag-aaral upang maging epektibong mga guro na maghahatid ng literasiya sa impormasyon.

Ayon kay Goodin (1991), ang mga mag-aaral na naturuan ng mga kasanayan sa konteksto ng information literacy ay pumuntos ng higit sa pangkalahatang pagsusulit kaysa sa mga mag-aaral na di naturuan.

Ng ituro ang mga kasanayan sa konteksto ng pagbibigay lunas sa mga suliranin gamit ang impormasyon sa mga asignatura, naging positibo ang epekto nito sa pagkatuto at gawi ng mga mag-aaral. (Todd, 1995)

Wednesday, August 13, 2008

Ikapitong Bahagi ng Isang Serye

Nakamamangha ang bibliographic powers ng isang laybraryan sa kasalukuyang panahon. Ito ang nagbibigay sa kanya ng distinksyon bilang isang propesyunal sa larangan ng impormasyon. Tila isa siyang manggagamot na may handang preskrispsyon sa sinumang maghahanap ng lunas sa sakit na taglay.

Nakatutuwa na dina mabilang ang mga datos na kanyang isinulat sa aking library card bilang katibayan ng kanyang kagalingan. Tinanong ko siya minsan kung nasaan ang mga libro sa Kurikulum at walang pikit mata niyang inilagay ang LB 1570 at LB 2806.15 na siyang aking ikinagulat. Hindi man lamang niya kinosulta o dutdutin ang desk top na may online public access catalog sa kanyang harapan. Ang bahagi ng silid-aklatan na ito ay may higit na 4,764 na babasahin o information sources sa Edukasyon, at madalas akong bumibisita dito para sa aking mga pananaliksik. May mga options pa nga siyang binabangit. Naghahanap ako minsan ng mga counseling books at nabanggit niya kung ito ay “counseling across all professions” o “counseling for an education course.” Sapagkat sa unang nabanggit, ayon sa kanya, matatagpuan ang mga libro sa kabilang silid at BF 637 ang klasipikasyon habang ang huli ay dito nga sa seksyon ng Edukasyon na nakahanay sa LB 1027.5.

Siyam kami na nakapila, ikapito ako at nasaksihan ko ang bawat datos na kanyang isinusulat sa bawat libary card. Ayon sa kanya, ang LB 1025 ay para sa Teaching strategies; LB 3025, Classroom Management; LB 1051, Educational Psychology; LB 15, Encyclopedia of Education kasama ang mga dictionaries; LB 3051 naman ay Measurement & Evaluation.

Hiningi niya ang aking e-mail address at kung nais ko raw ay padadlahan niya ako ng mga e-journals sa Edukasyon na open access, free full-text, quality controlled scientific at scholarly journals na isa-isa niyang binanggit na aming ikinagalak na marinig dahil libre, pwedeng i-download, buo ang teksto, may kalidad at scholarly nga.

80 porsiyentong literasiya sa L o Education information sources ay sapat na upang ikagalak ng mga mambabasa ang kahusayan ng isang laybraryan sa kasalukuyang panahon. Sa anumang proseso, kasanayan o serbisyo, tulad sa sitwasyong inilarawan, inaasahan na magagampanan ng laybraryan ito ng labis-labis at batid niya na nasa tagatangkilik ang pinal na ebalwasyon.

Kinakailangan ang masusing assessment upang matukoy at malaman ang lawak ng kaalaman o kakayahan gamit ang isang rubriko bilang batayan para sa pansariling pagsukat, repleksyon at pagsusuri kasama ng iba.