Pinakaiibig ng isang laybraryan ang copyright law ng bansa. Upang maiwasan ang anumang uri ng paglabag sa batas, ang Republic Act 8293 ay isang sandigan upang maging palagay at walang agam-agam ang laybraryan sa gitna ng pagpapasiya na may kaugnayan sa patas na karapatan ng manunulat at ng mambabasa.
Nakatutuwang pansinin ang bagong video na gawa ng DLSU para sa kanilang library orientation na may kaakibat na paalala patungkol sa copyright law. Ito ay mapapanood din sa tamang panahon kung bubuksan ang http://www.dlsu.edu.ph/library/ at nawa’y tularan ng lahat ng mga nakasaksi at maaring tanggapin bilang panimulang pagpapahayag at pakikiisa laban sa walang habas na duplikasyon o replikasyon ng mga babasahin (elektroniko man o hindi) na ayon sa ilan ay nagyayari dahil na rin sa ito ay ginagawa ng karamihan, pagsasamantala dahil walang nakakakita, at minsan lang naman bilang rason ng iba .
Maliban sa pagbebenta ng manlilikha o ng isang tagalimbag, ang pagpapaalam, pagsusupling o pagpapahiram sa publiko ng isang orihinal na kopya ay isang paraan na rin upang tangkilikin ang pagkabuo ng isang akda. Ang mga laybraryan taglay ang yaman ng silid-aklatan, gamit ang kanilang sining at disiplina, ay may laang proteksyon sa mga orihinal na akdang intelektwal sa artistikong larangan o pampanitikan gawa man ito ng gobyerno, isang indibiduwal, may kasugpong sa pagsulat o kolektiv at iba pa.
Mainam na basahin muli ang kabuoan ng Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act No. 8293 na maaring matagpuan sa http://www.photo.net.ph/ipcode/ at bigyang pansin ang Section 188 patungkol sa Reprographic Reproduction by Libraries.
Mula sa mga pamantayang nakalagay sa kanilang web sites, apat sa sampung unibersidad sa Pilipinas ang hindi pumapayag sa pagseroks ng mga di-nalimbag tulad ng tesis at disertasyon (SPUQC;ISU;ADNU;TUP) habang dalawa dito ay pinahihintulutan ang kanilang mambabasa na makapagseroks ng abstract, review of literature, at bibliography o ng labinlimang pahina lamang mula dito para sa mga mananaliksik mula sa graduate program (UPLB;UST). Apat sa kanila ay nagbibigay ng oras upang makapag-photocopy ang kanilang kliyente sa loob ng labinlimang minuto (BulSU); tatlumpung minuto (TUP;ISU); at isang oras (CDU). Limitado rin kung djornal naman. Dalawang artikulo lamang sa bawat isyu (IRRI) at sampung porsiyento naman ng libro ang pwedeng iseroks (SPUQC). Isa sa sampu ay kawani ng silid-aklatan ang nag-seseroks at hindi ang kostomer o ang sinuman.
Thursday, October 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment