Sunday, January 11, 2009

Unang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 1, 2009 Enero 15)

Mapapakinabangan ng bawat laybraryan ang pagpapamalas ni Michael Stephen ng isang balangkas upang makabuo ang sinuman ng isang rubikong presentasyon ng isang onlayn or web-based reader service na hindi lamang naglalaman ng serbisyong puro teksto o karaniwang higit pa dito bagkus nagtataglay ng karagdagan at marami pang inobasyon.

Isang klasikong rubiko, Cube o bloke na maaring buuin na mahihinuha sa konseptong hyperlinked library ni Stephen ay maaring hati-hatiin sa anim na mukha na may siyam na padikit ang bawat isa na may pare-parehong kulay. Kinakailangan lamang na ang bawat mukha ng bloke ay buo at iisa na lamang ang kulay (Wikipedia, 2009):

White, The Library is transparent; Red, The Library is participatory and harnesss user-generated content; Blue, The Library tells stories; Orange, The Library plays; Green, The Library makes connections; Yellow, The Library learns (http://tametheweb.com/)

 Maaring patuloy na maragdagan nito di lamang ang pagtaas ng bilang ng mga indibiduwal na dumarako sa mga elektronikong pagmumulan ngunit pati na rin ang isang porsiyento sa kasalukuyan na ang inuunang tangkilikin ay ang elektronikong sayt ng laybrari.

 Nahahayaan at pinauunlakan ang mambabasa na maging modereytor o content provider sa isang padikit bilang diretsong pagpapahalaga sa maaring magawa nila sa serbisyong onlayn ng silid-aklatan o laybrari.

 May sariling sayber-kansilor ang sayt ng laybrari upang siyang maging tagapakinig sa anumang virtuwal na kalagayan mayroon ang kostumer na umaasang matutunghayan ang impormasyong nililiyag.

 Ang istilo ng komunikasyon ng laybrari ay bukas at hindi kailanman nakikipagtaguan, pinid o may tabing dahil ang bahay-gagamga ay hayag, otentiko ang pakikipag-ugnayan at ganap bilang isang komunidad.

 Pinayayaman nito ang karanasan ng bawat kasapi dahil na rin sa mga inobatibong serbisyo at pagsisilbi bilang daluyan ng mga talakayan, plataporma, at pagpapakilala di lamang ng mambabasa kundi kasama pati ang mga kawani ng laybrari.

 Inilalahok nito ang lahat sa isang pakikipagniig tungo sa kolektivong katalinuhan o kaalaman bunga ng pagiging newbie na may angking kasabikan, mga sariwang ideya at may kahandaang lumago sa bawat pakikipagsapalaran gamit ang sayt ng laybrari.

Ang presensiya rin ng laybrari sa virtuwal na kalagayan di lamang sa kanyang kasalukuyang katayuan ay isang hamon tungo sa kagila-gilalas na mundo, ang Ikalawang Buhay o Second Life. Ang inisyatibo sa pagbili ng virtuwal na lupa o karapatan sa Ikalawang Buhay o Second Life ay isang katangi-tanging at inaasahang programa na kalulugdan lalong higit ng mga indibiduwal na gustong-gusto ang ang biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at kalantaran ng kaalaman bilang tugon sa anumang katanungan.

No comments: