Ang library poverty ay bunga rin ng inobasyon. Ayon kay Luecke (2003), ang inobasyon ay maaring makasira sa kadahilang maraming institusyon ang hindi nagtatagumpay na makasabay sa mga inobasyon at nawawala na lamang unti-unti na siya namang pinatotohanan ng Harvard Business Essentials (2003).
Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng mga elektronikong dyornal sa mga silid-aklatan. Kakailanganin ng isang pang-akademikong silid-aklatan ang higit sa sampung libong dolyar o limang daang libong piso para magkaroon ng elektronikong dyornal sa pamagitan ng isang pagtutulungan, alyansa o consortium ng limang pampublikong paaralan. Maliban dito ay ang pagbabayad ng karagdagang limang porsyento o 480 na dolyares o mahigit na dalawampung libong piso kada taon upang magkamit ng karapatang makapagbukas, makapag-eksplor at makagamit ng pangkasalukuyang bilang na 175 na elektronikong dyornal na gawang banyaga.
Pagtuunan ng pansin: pitong porsiyento lamang sa mga elektronikong dyornal na nakalista ang may kaugnayan sa Health Care Management, walo para sa Education Management at 85 ay Business, Management at Information Technology. Ang mga naunang nabanggit na porsiyento ay napakaliit sa inaasahang benepisyo na matatangap o siyang tutumbas sa halagang igugugol sa mga elektronikong dyornal ng mga paaralang ang konsentrasyon ay edukasyon at kalusugan.
Halos lahat ay walang sapat na badyet para sa sa mga elektronikong database
at ito ay nabanggit minsan ni Hickok (2007) mula sa daan-daang panayam na kanyang nagawa . Kahit na nga ang isang koleksyon na nagkakahalaga ng 4,050 na dolyares o 186,300 na libong piso para sa labing-apat na elektronikong dyornal pangkalusugan at medisina ay di mabibili para sa aming kliyente dahil sa mayroon lamang kaming 67 posiyento nito na nakalaan para sa e-journals at di pa kasama dito ang nabanggit na limang porsiyentong dagdag bawat taon na 202.50 na dolyares o 9, 315 na libong piso.
Mahigit labingtatlong libo o 289 na dolyares bawat dyornal na lubhang napakamahal kumpara sa kopyang papel na hinahahanap ng 9 sa sampung mananaliksik sa silid-aklatan tubing Sabado.
Tinanong ko minsan ang isang BSE na mag-aaral na naghihiram ng libro patungkol sa saligang batas. Nakagamit ka na ba ng e-journal? "Di pa po! Ano po yon? First year pa lang po ako!" tugon niya.
Friday, October 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment