Ang pagkakaroon ng isang kurso tulad ng Introduction to University Life ng California State University o Introduction to Lifelong Learning bilang programa para sa mga mababa at mataas na paaaralan sa Pilipinas ay hudyat upang maisakatuparan ang pagyakap ng mga laybraryan sa kampanyang kinakailangan ng Information Literacy.
Ang teacher identity ng laybraryan ng anumang tanggapan ay lubhang maitataguyod dahil na rin sa ang pagtuturo, ayon kay Rockman (2004), ay isang katangi-tanging inaasahang kasanayan na mayroon ang propesyong laybraryan sa kasalukuyang panahon habang dumarami ang hamong nakaakibat sa paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon mula sa walang tigil na pagdaloy ng iba’t-iba at nagbabagong pagmumulan – elektroniko man o tradisyunal – na siyang haharapin ng lahat ng tao. Nakapaloob sa konsepto ng teacher identity ang maraming salik tulad ng preparasyon sa pagtuturo, suporta ng administrasyon, multiple demands at stereotyping bilang isang guro at laybraryan. (Walter, 2005)
Bagamat abala ang mga laybrayan sa pagdidisenyo ng kanyang serbisyo - paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon at metadata – ang katangi-tanging inaasahang kasanayan gamit ay teaching portfolios ay ginagantimpalaan din at magbubunga ng tagumpay para sa kampanya ng Information Literacy hatid ng isang malusog na kultura ng pagtuturo o healthy culture of teaching sa organisasyong kinabibilangan.
Nararapat lamang na bigyan-diin o palalimin pa ng laybraryan ang kanyang nalaman sa pedagogiya, banghay sa pagtuturo at ebalwasyon ng pagkatuto ng mag-aaral upang maging epektibong mga guro na maghahatid ng literasiya sa impormasyon.
Ayon kay Goodin (1991), ang mga mag-aaral na naturuan ng mga kasanayan sa konteksto ng information literacy ay pumuntos ng higit sa pangkalahatang pagsusulit kaysa sa mga mag-aaral na di naturuan.
Ng ituro ang mga kasanayan sa konteksto ng pagbibigay lunas sa mga suliranin gamit ang impormasyon sa mga asignatura, naging positibo ang epekto nito sa pagkatuto at gawi ng mga mag-aaral. (Todd, 1995)
Thursday, September 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment