Sinabi ni Francisco (2009) na sa bawat digmaan, walang nanalo kundi pawang mga biktima lamang ang mayroon. Kalugod-lugod kung sa mga pagpupulong ng mga laybraryan, sa opisina man o asosaysyon, pormal o kaswal, dama nang lahat di lamang ang kalusugan sa pakikipag-usap bagkus kita maging ang mabuting tunguhin ng diskursong may kinalaman sa pagpapayabong ng serbisyong pang-aklatan.
Hindi naman kailangang magtaas ng boses upang iparating lamang ang nais. Tanggapin, pagkatapos ng ilang deliberasyon, ang desisyon kung di napayagang makapag-OB o okey sa administrasyon ang PR work ng isang kawani. Di nararapat pa itong pag-usapan pagkatapos ng miting bagkus hintayin ang susunod na pagkakataong magkita-kita muli sa isang roundtable discussion at ihanda muli ang sarili. Mas ikatataas ito ng kalidad ng mga propesyunal bilang mga tao, manggagawa at indibiduwal na may kaluluwa.
Ang pasiliteytor o presayder, una sa lahat, ay pinagpala sa pagkakaroon ng otoridad, kasanayan, liderato at inaasahang magiging daluyan ng otentikong pagmamahalan at pagpapalakasan ng mga kasapi at tagapakinig.
Hindi kakakitaan ang mabuting pasiliteytor o presayder ng ilan sa mga sumusunod: abusong verbal, di-verbal at pisikal, nagsisimula ng di nanalangin man lang, sa itsura pa lamang di mapag-anyaya, may pagkiling o ang pandinig ay laan sa iilan, walang resolusyong napagtibay, ebidensya ng pinagsasabi ay pawang base sa sabi-sabi at sariling gawa o kuwento, kawalan ng stratehiya upang tapusin ang miting.
Ang pag-iyak o magpaiyak ay labag sa pamantayan ng pagpupulong. Balutiin ang sarili ng pitong otentikong bunga ng mabuting espiritu, propesyunal man o hindi: kababaang-loob, katatagan, kapayapaan, kahinahunan, kagalakan, pag-asa at pag-ibig upang di makaranas at masaksihan ang kagulat-gulat.
Itinuturo na sana maging koleksyon naman ng lahat ang mga sumusunod na salitang Ingles sa pakikipagtalakayan mula simula hanggang katapusan ng pagniniig ng mga isipan: achieve, boost, put in, generate, delight, reach, contact, inspire, motivate, serve at marami pang iba pa.
Karamihan sa mga ginaganap na pagpupulong, maihahalintulad ang pagpupunyagi na ninanais ng bawat bahagi sa isang bilog. Subukang gumuhit ng bilog sa isang papel at obserbahan ito. Ang bilog, bilang ilustrasyon, kapag iginuhit ng kamay ay di magiging perpektong bilog ngunit may kaunawaan ang isip na mula sa guhit kamay, ito ay tatanggapin ng mga mata at mananatiling bilog magpakailan man (Deming, 2004).
Sa kasalukuyang panahon para sa laybrari at mga laybraryan, lalong higit na hinihingi ay kolaborasyon. Isinasaalang-alang ang magagawa ng isa sa ikaangat at ikalalago ng lahat. Hindi maaring kanya-kanya, wika ito ng ilan, bagkus pagkakapitbisig tungo sa anumang katutulutan ng mga pagpapasiyang nabuo mula sa pagpupulong tuwi-tuwina. Ang mabuting koloborasyon, sa kasalukuyang panahon, ang isang susi at ang siyang maaring magbuklod sa ating lahat. Ang kapangyarihang ito ay di hawak lamang ng pasiliteytor o presayder lamang bagkus ng lahat..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment