Gumon sa Mga Elektronikong Deytabeys
Sabagay masuwerte ang laybraryan at mayroon siyang pangmatagalang akses sa mga pagmumulan ng impormasyon, di o elektroniko man. Maari itong isang buffet ng iba't-ibang pagpipilian at pagkukunan na tunay nga namang skolarli, sayantifik, at may kalidad. Sino ba ang di mabubusog sa isang napakalubhang paghahanda na maihahalintulad sa isang piging? Ang mga bahay-pahina, http://www.dlsu.edu.ph/library, http://ilib.upd.edu.ph/, http://rizal.lib.admu.edu.ph/, http://library.ust.edu.ph/, ay nilahukan ng iba't-ibang putahe na otoriteytiv at, lejitimeyt na mga onlayn o elektronikong durungawan:
Halimbawa: kung ang interes ay may kaugnayan sa marketing na isang aspeto ng laybrari, ilan sa mga hain at madudungaw mula sa mga e-hapag ay ang mga sumusunod na hits o bilang kasama ang mga napiling mga artikulo at isinaliksik noong Agosto 1:
(15) ERIC®, The secret of library marketing: make yourself indispensable. Block, Marylaine. American Libraries 32(8) : September 2001 (p48-50): ayon dito natatangap ng mga maimpluwensiyang tao ang laybrari bilang sanggunian sa mga pagpapasiya na may kinalaman sa pagpapalago ng komunidad.
(61) MAS Ultra™ -- School Edition, The house brand. Circle, Alison; Bierman, Kerry. Library Journal 134(11) : June 2009 32p. (4): mas personal na paglilingkod at aydentiti ang maaring itaguyod sa pag-formula ng isang planong pang-marketing.
(84) Business Source® Complete, Does your library have an attitude problem towards 'marketing'? Revealing inter-relationship between marketing attitudes and behaviour. Singh, Rajesh. Journal of Academic Librarianship. 35(1) : January 2009 25p. (8): isa itong pagtatangka upang matuklasan ang koneksyon ng pag-uugali o gawi ng mga laybraryan at kanilang palagay patungkol sa marketing o marketing attitudes at behaviour of librarians.
(38) Proquest ABI/INFORM Global™, A study for university library marketing indicators model in digital age. Mu-Chen Wu, Ling-Feng Hsieh. The Business Review 10(1) : July 2008 165p. (5 pages): ang marketing sa laybrari ay di patubuan, di tulad sa mga negosyo; sa paggamit ng mga prinsipyong mula sa marketing, mababatid ang iba’t-ibang pagnanasa ng mga mambabasa sa impormasyon at kung paano mapapaigting pa ang katuwaan ng mga tagatangkilik sa uri ng paglilingkod mayroon ang mga kawani ng laybrari.
(22) ProQuest Education Journals, What do librarians think about marketing? A survey of public librarians’ attitudes toward the marketing of library services. Marilyn L Shontz, Jon C Parker, Richard Parker. The Library Quarterly 74(1) : January 2004 22p. (63): mas maraming positibo ang palagay ng mga administreytor sa laybrari at iba pang laybraryan na nagkaroon ng kurso o workshop patungkol sa marketing at mungkahi nila ay ang mas mataas na pangangailangan nito sa laybrari.
(22) Emerald Journals, Defining market orientation for libraries. Barbara Sen. Library Management 27: 2006, isa itong paglalahad ng pagtanggap ng mga laybrari at laybraryan tungo sa oryentasyong pang-marketing.
Bilang isang malaki at eat-all-you-can deal na inihanda para sa lahat ng departamento ng akwisisyon, inaasahan ang isang kliyente mula sa kabilang pamantasan na idulog niya ang pagnanais na makatanggap rin ng e-artikulo na Self-esteem, performance, and satisfaction: some tests of a theory ni Greenhaus at Badin mula sa Journal of Applied Psychology sa kanyang laybraryan upang maganap ang document delivery service nito. Ito ay nasasaklaw sa lisensya na itinakda sa pagitan ng mga tagapaglikha, naglilimbag, tagapaglagak o probayder ng nilalaman at ng mga tagapamahala ng laybrari. Nakakabahala kung magpapasiya ng malayo o labas sa mga nakasaad sa napagkasunduan ng dalawang panig lalo na kung elektronikong deytabeys ang pinag-uusapan. Di tulad ng printed na materyal, hindi produkto ang maihahatid kundi serbisyo na hayag sa mga mga tagapaglikha, naglilimbag, tagapaglagak o probayder ng nilalaman at ng mga tagapamahala ng laybrari o ang tinatawag na mga kasapi ng information value chain (Ball, 2006).
Ang manunulat ay may masidhing kagalakan sa paggamit at pageeksplor ng mga elektronikong deytabeys mula sa mga durungawan ng mga laybrari na mayroon ang apat na pamantasan: De La Salle University (Tat Avenue, Manila), Ateneo de Manila University (Quezon City), University of Santo Tomas (Espana, Manila) at University of the Philippines (Diliman, Quezon City).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment