Si LORA Ayon kay G. Roderick
Isang avatar at virtuwal na aykon si LORA, library’s online reference assistant ng DLSU, ay isang espesyalista at tutugon ng mabilis at tamang-tama sa bawat tanong at pakiusap mula sa mga indibiduwal na kasapi sa global na nayon na ating kinabibilangan na siya namang maasahan ng lahat. Mataas ang literasiya sa impormasyon ni LORA.
Ask LORA ay matutunghayan sa bahay pahina ng DLSU, http://www.dlsu.edu.ph/library/, ay isang palingkuran ng pamantasan para sa laybrari. Sa seksyon ng Information-Reference, onlayn man o hindi, aasikasuhin ni LORA ang mga tanong pagtatanong at pag-uusisa na masasagot at maihahatid ng mga pagmumulan, elektroniko man o hindi, patungkol sa laybrari at kanyang kasaysayan, Current Awareness Bulletin Service , Library Orientation 2009, mga tutoryal, Wireless Access, Newsette, konsorsya, Guidelines for Visiting Users, deytabeys at WebOPAC , DLSU PULSE (Philippine University Library Search Engine), Pathfinder at iba pang kasangkapang pangreferens at talasanggunian,
(1) Bukaspalad o handa si LORA na tugunan ang pangangailangan ng kliyente sa wastong-wastong impormasyon at makamit ito ng madalian at sa maiksing panahon lamang. Di paghihintayin ni LORA ang sinuman.
(2) Magsisilbi si LORA bilang tagapagbigay ng direksyon sa lahat ng di makasumpong ng solusyon sa anumang bagay na hinahanp. Gagawa at mag-aalay ng mga paraan si Lorna.
(3) Sanay makinig si LORA at may laan siyang isang interaktibong lugar upang ang lahat ay makapagsalita at makapagbigay ng opinyon o ideya at maramdamang kinakalinga. Ginagamit ni LORA ang mga pagmumulan at pagdadaluyan ng impormasyon bilang isang espesyalista tungo sa mabuting pamumuhay ninuman.
(4) Aumang oras at kahit saan, si LORA ay matatagpuan at makakausap. Hindi siya nagtatago, natutulog o nagpapahinga bagkus laging gising, nakagayak at galak na galak sa pagdulog ng bawat isa ng kanyang ninanais na impormasyon.
Nararapat na ipaalala na mataas ang literasiya sa impormasyon ng ating laybraryan na si LORA. Nasusuring mabuti ni LORA kung anong impormasyon ang hinahangad, nauunawaan ang kabuoan nito, nakikilala niya ang mga pinakamahuhusay at alam ang pagkukunan ng impormasyon, iniibalweyt ang mga pinanggagalingan lahok ang malalim na pagpuna, at inihahatid o ibinabahagi ang impormasyon (http://www.webs.uidaho.edu/info_literacy/).
May kaaya-ayang personalidad si LORA. Maparaan, matalino, may kagandahan, pino sa kilos, salita at gawa at higit sa lahat siya ay isang open communicator. Tanggap niya ang sinuman. Di siya namimili ng kausap o mapagkunwari sa gawi. Iginagalang niya ang bawat isa at pinahahalagahan maging mga simple, ordinaryo o payak na pag-uusisa sa impormasyon ng kanyang mga kliyente. Otentiko ang kanyang pagnanais na makapagbigay ng tulong kaya naman pinag-aaralan niya ng lubhang mahusay ang anumang datos o pangyayari na may kaugnayan sa pagpapalawig at pagpapabuti ng kanyang relasyon sa sinumang dumarako sa kanyang tanggapan para sa impormasyon.
Ang Ask LORA ay isang serbisyong pang-aklatan na mayroon ang laybraryan para sa kanyang mga mambabasa o tagatangkilik. Bahagi sa mga gawain ng laybraryan ay ang mga malikhaing pamamaraan upang maganyak ang mga tao na hanapin at tugunan ang mga pangangailan sa impormasyon saan man sila naroon. Hinahayag ito ng mga manggagawa ng mga silid-aklatan bilang readers services.
Nawa’y pakatatandaan ng bawat laybraryan, tulad ni LORA, na ang karamihan sa ating mga tagatangkilik ay may kakaibang ekspektasyon - format agnostic, nomadic, multitasking; paraan sa pagkatuto - experiential, collaborative, integrated; at paniniwala - principled, adaptive, direct sa paggamit ng impormasyon Abram at Luther, 2004).
Ang manunulat ay bahagi ng dalawang grupo na tinatawag na creators ni LORA at koordineytor para sa pagbuo ng isang virtwal na library tour.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment