Thursday, June 25, 2009

Ikalawang Bahagi ng Ikatlong Serye (III:2, 2010 Pebrero)

Sa elektronikong pakikipagtransaksyon man o hindi, nawa ay maranasan ng mga mambabasa ang mga pinakamaiinan na tugon sa sampu na laging kinahaharap at inaasam sa pagpasok ng silid-aklatan: maramdamang inaasahan, napapanahong serbisyo, maramdamang inaalagaan, maayos na serbisyo, maintindihan, makatanggap ng tulong o assistance, maramdamang mahalaga, matanggap, makilala at maalala, at maalayan ng respeto (Quality Customer Service).

Ang mga kawani ng laybrari, sa pangkalahatan, ay sinasapantaha ang mga pangangailan at motibo ng tagatangkilik upang mapagsilbihan sila at maihandog ang katangi-tangi sa paglilingkod. This requires active, empathic listening that picks up on the nuances of the conversation—the implicit as well as the explicit content (Flannery, 2007).

Sa kabilang banda, nararapat na pasalamatan ang mga nasa laybrari dahil sa nagagawa nitong ilahok bilang bahagi ng kanilang programa ang mga sopistikadong e-guides mula sa Internet ng libre o walang bayad sa mga mag-aaral, kawani, at fakulti. Tulad na lamang ng Vault Career, http://www.cogswell.edu/vault.htm na isang onlayn na pagmumulan. Kung mag-isang tatangkilikin ng mag-aaral, kakailanganin ng 1,500 na dolyares upang mabuksan ito at suyurin ang higit sa limampung guides na mayroon ito. Ang isang laybrari ay maaring makabili nito sa napakamurang halaga na mas marami ang makikinabang.

Kung matanong patungkol sa pagpili ng kurso, bilang halimbawa, handa at ipinapakita ng espesyalista ng laybrari ang mga durungawan para sa industriya ng pagpapayo tampok ang mga kuwento, opinyon, mabubuting karanasan ng mga prominenteng personalidad mula sa iba’t-ibang panig ng mundo kung bubuksan ang Vault Career. Ang rekomendasyong ito na hiniling na magkaroon at nabili ng laybrari - elektronikong pagmumulan- na nanggaling sa Sentro ng Karera ng pamantasan ay karapatdapat ring pasalamatan.

Ang mapagyamang karanasan sa laybrari, kapag nabanggit at inihayag sa iba ay nagpapaalala kung paano ang mga kawani ay tumutupad, tumutulong at nagpapamalas na may paggalang, kapantayan at katapatan sa bawat kliyente. Magbubunga ito ng masayang kundisyon sa serbisyong pangkostumer na kung saan masosorpresa ang kliyenye ng isang mabiyayang pananatili sa laybrari dulot na rin ng elektronikong pagmumulan na di sinapantahang lubhang malaki ang maiidudulot sa kanya bilang mananaliksik.

Ang mapasaya ang bawat isa, kasama dito ang mga nagsisipaglingkod ay pagbubuo ng isang kultura na ekselente sa serbisyong pangkostumer. Customer service standards so that you consistently, and to the endless pleasure of your customers, is a culture that delivers customer service excellence (Welsh, 2009).

Iisa lang ang pumupuno sa isipan ni Jamlid, estudyante mula pa sa ibang bansa, kundi maisalita at maipadama kung gaano siya lubos na natutuwa. Kakahanap pa lamang kasi niya ng isang e-book na kanyang nabasa na inilalako sa onlayn noon 2006 at nabasa muli upang makapag-print ng ilang bahagi mula sa Control of Cognitive Processes: Attention and Performance XVIII na inedit nina Stephen Monsell at Jon Driver bilang isang elektronikong libro ng Google. Dahil sa sitwasyong ito, nagkaroon ng isang kaiga-igayang panahon o engkuwentro si Jamlid kasama ang kanyang laybraryan na nagsuperbisa ng paghahanap.

To predict satisfaction, we’ve got to know two things. First, how did the customer perceive the service? Perception is all in the mind. Two different customers might perceive the same service in very different ways. Second, what were the customers’ expectations? Were they in line with the firm’s ability to deliver service, or, were they unrealistic (Lovelock, 1994).


Ang manunulat ay naging tagapagsalita sa Manila City Library (dalawang sesyon) para sa kanilang forum: Public Relation Towards Our Clientele noong Hunyo 3, 2009 sa Main Library (Reference Division), Manila City Library, Sining Kayumanggi, Mehan Garden, Ermita, Manila at nakadalo sa isang forum na may pamagat na Valuing Library Services bilang PRO o opiser ng PAARL noong Hunyo 24 sa Seminar Room ng Megatrade Hall 1, Megamall Building 1.

Wednesday, June 3, 2009

Ikalabingdalawang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 12, 2009 Disyembre)

Sinabi ni Francisco (2009) na sa bawat digmaan, walang nanalo kundi pawang mga biktima lamang ang mayroon. Kalugod-lugod kung sa mga pagpupulong ng mga laybraryan, sa opisina man o asosaysyon, pormal o kaswal, dama nang lahat di lamang ang kalusugan sa pakikipag-usap bagkus kita maging ang mabuting tunguhin ng diskursong may kinalaman sa pagpapayabong ng serbisyong pang-aklatan.

Hindi naman kailangang magtaas ng boses upang iparating lamang ang nais. Tanggapin, pagkatapos ng ilang deliberasyon, ang desisyon kung di napayagang makapag-OB o okey sa administrasyon ang PR work ng isang kawani. Di nararapat pa itong pag-usapan pagkatapos ng miting bagkus hintayin ang susunod na pagkakataong magkita-kita muli sa isang roundtable discussion at ihanda muli ang sarili. Mas ikatataas ito ng kalidad ng mga propesyunal bilang mga tao, manggagawa at indibiduwal na may kaluluwa.

Ang pasiliteytor o presayder, una sa lahat, ay pinagpala sa pagkakaroon ng otoridad, kasanayan, liderato at inaasahang magiging daluyan ng otentikong pagmamahalan at pagpapalakasan ng mga kasapi at tagapakinig.

Hindi kakakitaan ang mabuting pasiliteytor o presayder ng ilan sa mga sumusunod: abusong verbal, di-verbal at pisikal, nagsisimula ng di nanalangin man lang, sa itsura pa lamang di mapag-anyaya, may pagkiling o ang pandinig ay laan sa iilan, walang resolusyong napagtibay, ebidensya ng pinagsasabi ay pawang base sa sabi-sabi at sariling gawa o kuwento, kawalan ng stratehiya upang tapusin ang miting.

Ang pag-iyak o magpaiyak ay labag sa pamantayan ng pagpupulong. Balutiin ang sarili ng pitong otentikong bunga ng mabuting espiritu, propesyunal man o hindi: kababaang-loob, katatagan, kapayapaan, kahinahunan, kagalakan, pag-asa at pag-ibig upang di makaranas at masaksihan ang kagulat-gulat.

Itinuturo na sana maging koleksyon naman ng lahat ang mga sumusunod na salitang Ingles sa pakikipagtalakayan mula simula hanggang katapusan ng pagniniig ng mga isipan: achieve, boost, put in, generate, delight, reach, contact, inspire, motivate, serve at marami pang iba pa.

Karamihan sa mga ginaganap na pagpupulong, maihahalintulad ang pagpupunyagi na ninanais ng bawat bahagi sa isang bilog. Subukang gumuhit ng bilog sa isang papel at obserbahan ito. Ang bilog, bilang ilustrasyon, kapag iginuhit ng kamay ay di magiging perpektong bilog ngunit may kaunawaan ang isip na mula sa guhit kamay, ito ay tatanggapin ng mga mata at mananatiling bilog magpakailan man (Deming, 2004).

Sa kasalukuyang panahon para sa laybrari at mga laybraryan, lalong higit na hinihingi ay kolaborasyon. Isinasaalang-alang ang magagawa ng isa sa ikaangat at ikalalago ng lahat. Hindi maaring kanya-kanya, wika ito ng ilan, bagkus pagkakapitbisig tungo sa anumang katutulutan ng mga pagpapasiyang nabuo mula sa pagpupulong tuwi-tuwina. Ang mabuting koloborasyon, sa kasalukuyang panahon, ang isang susi at ang siyang maaring magbuklod sa ating lahat. Ang kapangyarihang ito ay di hawak lamang ng pasiliteytor o presayder lamang bagkus ng lahat..

Monday, June 1, 2009

Unang Bahagi ng Ikatlong Serye (III: 1, 2010 Enero 15)

Tamang-tama na mabatid ng isang associate librarian ang kalawakan ng kanyang gawain bilang isang fakulti sa pagdalo sa isang oryentasyon na may kaugnayan sa pangkalahatang VMG ng institusyong DLSU. Isang kumpletong pakete ng kaalaman: alituntunin at pamantayan na may kaugnayan sa academics, research, registrar, librari, DO, helpdesk ng ITC at Center for Educational Multimedia-ASIST, asosasyong pangguro at sweldo ang ibinahagi ng mga kinauukulan upang mailahad ang ninanais na direksyon para sa isang termino, buong taon o hanggang sa pagdiriwang sentenyal ng pamantasan sa 2011. Ipinamalas ang transformative learning philosophy at inilarawan ito ni Dr. Julius B. Maridable. Hiniling ng vice chancellor for academics and research sa mga guro na maging responsable para sa sariling paglago bunga ng mga pananaliksik at scholarly outputs. Idinagdag pa niya na sinumang nagmamahal sa kanyang trabaho ay pinahahalagahan. Napakahusay din ang pagpapakilala ng mga abala sa programa sa buhay ni St. John Baptist De La Salle, video clips na may audio, mga inspirasyunal na pananalita at mga gabay ukol sa pagiging gurong Lasallian. Napakalaking hamon ito sa mga associate librarian, kasama ng mga iba pang guro, na tunay na kaisa sa mga adhikaing binubuno ng lahat na napabilang, bago man o datihan na.

Halimbawa, ang Pito-pito: Seven Key Events in De La Salle’s Life and Mine ay isang pagtatangka ni G. Julius Pre na mailahad ng bawat isa ang mga innermost wishes, sentiments at desires ayon sa hanay na sumusunod gamit ang patron ng mga guro bilang huwaran:1 Inspiration 2 Personality 3 Family 4 Society 5 Heroic Confession 6 Challenges 7 Surrender to God’s Will- sa grupong kinabibilangan. Ang karanasang ito ay naglalayon na magsilbing instrumento ang bawat nakadalo na magkaroon ng angking vision at maisakatuparan ito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikipagtalakayan ng mga estudyante. Inaasahang makapag-aambag ito sa misyong pangkasalukuyan ng mga Lasallian: teaching minds, touching hearts at transforming lives.

Mula sa grupong kinabilangan: 1 modelo ni Vina ang kanyang kuya 2 maihahalintulad si Celito kay St. John sa kasipagan nito sa simbahan 3 nadama ni Ismeg ang kagalakan ng kanyang pamilya noong siya ay seminarista pa 4 regular at higit pa sa trabaho ang turing ni Marla sa immersion kasama ang mga terminally-ill, poverty-sticken at iba pa 5 Ben confessed that taking up Library Science as a course was heroic and he intends to be one super librarian to whoever needs his help as info specialist 6 ang pagiging Sagada trip organizer sa dalawampu o higit pa ay kakailanganin ng tamang pag-uugali at kasanayan ng isang edukador sapagkat, ayon kay Elijah, isa itong uri ng kawili-wiling adult education program 7 ikinuwento ni Mina ang mapaghamon na testimonya ng kabaitan ng Dios kay Melba bilang isang asawa ng isang pastor na dati’y isang pasuwelduhang engineer.

“God engages the world,” banggit ni Br. Armin A. Luistro bilang presidente at chancellor ng DLSU. Ito rin ay kanyang paghikayat sa mga guro na ganapin ang karanasang ito sa loob ng isa at kalahating oras habang kapiling ang mga estudyante anumang kurso ang itinuturo. Magiging reflektivo din ito sa saan mang lugar ng pamantasan kabalikat ang mga associate librarian ng silid-aklatan.

Maaaring simulan ang lahat sa isang disiplina. Gamit ang The Six-Decade Rosary of the Lasallian Family at rosaryong gawa sa kahoy na bigay ni Br. Armin, manalangin at wikain:

“Let us remember that we are in the holy presence of God.”

“I will continue, O my God, to do all my actions for the love of you.”

“Live Jesus in our hearts forever!”




Ang tatlong maiikling mga panalangin ay halaw mula sa Living the Lasallian Spirit: Our 3 Lasallian Prayers ni Br. Michael Valenzuela FSC. Ang manunulat ay partisipante sa nakaraang Faculty Orientation: First Term, Academic Year 2009-2010, May 29-30, 2009 sa Ariston Estrada Seminar Room (L126), De La Salle University, Taft Avenue, Manila.