Nakahanda ang laybraryan di lamang dahil may kaalaman siya sa mga elektronikong pagmumulan o tradisyunal na panggagalingan kundi isa rin siyang espesyalista na may kakayahang mapasigla ang sinuman baluti ang isang palaruan ng impormasyon o bilang isang aykon at Wonder Laybraryan ng Information Literacy na siyang inaasahang kaaway ng mga bandido at namimirata at pinakaiibig ang copyright law ng bansa: Super Librando, Isang Filipino, Wonder Man ng Silid-aklatan at Nang Ating Gobyerno! Hinihimok nito ang laybraryan gamit ang laybrari na makapaglagak ng ekselenteng serbisyo at makakabuo ng katagumpayan sa larangan ng paglilingkod.
Hinahangaan siya bilang sayber-kanselor ng laybrari di lamang sa kanyang angking taglay sa teknolohiya bagkus maging sa uri ng kanyang pakikisalamuha dahil sa ang istilo ng kanyang komunikasyon sa laybrari ay bukas at hindi kailanman nakikipagtaguan, pinid o may tabing dahil ang kanyang bahay-gagamga ay hayag, otentiko ang pakikipag-ugnayan at ganap bilang modereytor ng isang komunidad.
Si Librando, tulad ng mga superkids sa kasalukuyang panahon ay may pambihirang literasiya sa impromasayon. Nililingon, di lamang sa kanyang higit sa ordinaryong kasanayan sa paggamit ng teknolohiya kundi dahil na rin sa kanyang kapansin-pansin, propesyunal at superb na interpersonal na katangian kaugnayan ang mga kliyente. Napapangiti nito ang marami baon ang isang positibo at pangmatagalang alaala o karanasan dulot ni Super Librando.. Ngunit ano ang kanyang itsura? May maskara ba siyang suot-suot? Makapangyarihan? Nakakapa? Lumilipad!
Inaasahang siya ay hahanapin di lamang ng mga bata kundi matatagpuan ng lahat ang pagkabili niya ng isang tumpak na lugar o karapatang magmay-ari sa Ikalawang Buhay o Second Life upang doon din ay maipamalas ang angking kagalingan. Ito ay isang hamon tungo sa kamangha-manghang pakikipagsapalaran ni Librando sa virtuwal na daigdig bilang isang Avatar - kaisa o instrumento ng mga indibiduwal na gusting-gusto ang biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at kalantaran ng kaalaman bilang tugon sa anumang katanungan.
Si Librando, isang Super Laybraryan ng kasalukuyang panahon, ay bahagi ng bawat nilalang na ang hanap ay impormasyon, hatid ay gabay sa pananaliksik ng bawat kabataan, mag-aaral man o hindi.
Tuesday, January 27, 2009
Thursday, January 22, 2009
Saturday, January 17, 2009
Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 2, 2009 Pebrero 15)
Pagiging reflektibo, kritikal at otentikong pagkaranas ang maaring idulot sa mga laybraryan ang pagkakaroon ng mga handang portfolio bilang durungawan o batayan ng mga serbisyong ihahandog ng laybrari kaakibat ang masusing ebalwasyon lalung-lalo na ng mga tumatangkilik dito. Halimbawa, maaaring isa itong pag-aanunsiyo at pagtawag ng sampung masugid na mambabasa upang makiisa bilang lupon na mangangatwiran, magbibigay ng puna o marka sa anumang programa ng laybrari gamit at isinasaalang-alang ang apat na mahahalagang proseso – koleksyon, organisasyon, refleksyon, at presentasyon (Wyatt III and Looper, 2004).
Lubhang napakahalaga dito ang pakikipagtalakayan at paglilista ng mga datos sa ikagaganda ng portfolio at ikalalago ng laybraryan bilang tagaplano. Tinutulungan ng lupon ang laybraryan sa kanyang pansariling repleksyon upang makabuo ng isang mabuting portfolio – alternativong asesment at may kalidad na pamamaraan - ng mga isasakatuparang mga gawain ng laybrari.
Nasasalamin sa portfolio ang pilosopiya, lalim ng pananaliksik, karanasang may interaksyon, piling mga aktividades, mga layunin ng laybraryan bilang isang propesyunal na individuwal na ang nais ay ang matagumpay na laybrari para sa kanyang komunidad na pinaglilingkuran.
Una sa lahat, malaya ang laybraryan sa anumang komposisyon o laman mayroon ang kanyang portfolio salik dito ang kanyang kakaibang gamit ng imahinasyon at pagkamalikhain kasama ng mga ebidensya, materyales o artifacts ng mga naganap, ginagaganap at ihahain pa lamang. Kakaiba ang portfolio ng isang espesyalista tulad ng laybraryan kumpara sa mga popular na nalalaman - elektroniko man o hindi – sapagkat ito ay hypermedia, may onlayn at tradisyunal na pagmumulan.
Pangalawa, pinakamainam na matanto ng laybraryan kung kahanga-hanga o hindi kaiga-igaya ang gamit niyang refleksyon sa ebidensya, materyales o artifacts ng mga naganap, ginagaganap at ihahain pa lamang ng kanyang portfolio. Kinakailangang pagtuunan ng pansin at balikan ang pinakadahilan kung bakit isinasailalim ang sarili sa paghahanda ng isang portfolio. Ito ay ang ikagalak ng puso ang katagumpayang natamo at magamit ito bilang inspirasyon o batayan para sa pagpaplano sa hinaharap. Matatagpuan sa portfolio ng laybraryan ang kahapon, ngayon at bukas ng isang laybari ng kasalukuyang panahon.

Sunday, January 11, 2009
Unang Bahagi ng Ikalawang Serye (II: 1, 2009 Enero 15)
Mapapakinabangan ng bawat laybraryan ang pagpapamalas ni Michael Stephen ng isang balangkas upang makabuo ang sinuman ng isang rubikong presentasyon ng isang onlayn or web-based reader service na hindi lamang naglalaman ng serbisyong puro teksto o karaniwang higit pa dito bagkus nagtataglay ng karagdagan at marami pang inobasyon.
Isang klasikong rubiko, Cube o bloke na maaring buuin na mahihinuha sa konseptong hyperlinked library ni Stephen ay maaring hati-hatiin sa anim na mukha na may siyam na padikit ang bawat isa na may pare-parehong kulay. Kinakailangan lamang na ang bawat mukha ng bloke ay buo at iisa na lamang ang kulay (Wikipedia, 2009):
White, The Library is transparent; Red, The Library is participatory and harnesss user-generated content; Blue, The Library tells stories; Orange, The Library plays; Green, The Library makes connections; Yellow, The Library learns (http://tametheweb.com/)
Maaring patuloy na maragdagan nito di lamang ang pagtaas ng bilang ng mga indibiduwal na dumarako sa mga elektronikong pagmumulan ngunit pati na rin ang isang porsiyento sa kasalukuyan na ang inuunang tangkilikin ay ang elektronikong sayt ng laybrari.
Nahahayaan at pinauunlakan ang mambabasa na maging modereytor o content provider sa isang padikit bilang diretsong pagpapahalaga sa maaring magawa nila sa serbisyong onlayn ng silid-aklatan o laybrari.
May sariling sayber-kansilor ang sayt ng laybrari upang siyang maging tagapakinig sa anumang virtuwal na kalagayan mayroon ang kostumer na umaasang matutunghayan ang impormasyong nililiyag.
Ang istilo ng komunikasyon ng laybrari ay bukas at hindi kailanman nakikipagtaguan, pinid o may tabing dahil ang bahay-gagamga ay hayag, otentiko ang pakikipag-ugnayan at ganap bilang isang komunidad.
Pinayayaman nito ang karanasan ng bawat kasapi dahil na rin sa mga inobatibong serbisyo at pagsisilbi bilang daluyan ng mga talakayan, plataporma, at pagpapakilala di lamang ng mambabasa kundi kasama pati ang mga kawani ng laybrari.
Inilalahok nito ang lahat sa isang pakikipagniig tungo sa kolektivong katalinuhan o kaalaman bunga ng pagiging newbie na may angking kasabikan, mga sariwang ideya at may kahandaang lumago sa bawat pakikipagsapalaran gamit ang sayt ng laybrari.
Ang presensiya rin ng laybrari sa virtuwal na kalagayan di lamang sa kanyang kasalukuyang katayuan ay isang hamon tungo sa kagila-gilalas na mundo, ang Ikalawang Buhay o Second Life. Ang inisyatibo sa pagbili ng virtuwal na lupa o karapatan sa Ikalawang Buhay o Second Life ay isang katangi-tanging at inaasahang programa na kalulugdan lalong higit ng mga indibiduwal na gustong-gusto ang ang biswal na teknolohiya, bilis ng takbo, eksena at kalantaran ng kaalaman bilang tugon sa anumang katanungan.

Subscribe to:
Posts (Atom)