Ipa-SWOT ang Serbisyong Referens!
Katotohanan! Katotohanan!
Ang impluwensiya sa mga tumatangkilik ng mga proyektong may kaugnayan sa dijitiseysyon, tulad ng Google Book Library Project, ay magtutulak sa mga administreytors ng laybrari na magkaroon nito o kaya naman ay mawalan ng market o mga tagasubaybay.
Kung ang kliyente ay masidhing hihiling ng mga koleksyong dijital na siya namang inaasahan, ang mga laybrari ay mapipilitang bumili nito o maglaan ng mga programang may kaugnayan dito. Maaring ibawas ito sa badyet na laan para sa koleksyong printed ng serbisyong referens at ang epekto nito ay malaki. Binanggit ni Milagros Santos-Ong noong 2006 sa Kimberly Hotel, Maynila sa isang forum na may pamagat na Information and Communications Technology in Library Trends, Security & Ethics” na ang pondo ay isa sa mga tinututukan kasama ang isang mainam na proposal na kinukunsidera ng mga tagapangasiwa kung magdidijitays ba o hindi. Idinagdag pa niya nasa pagpupunyagi naman ng laybraryan kung paano niya mahihimok sila upang maaprubahan ang proyekto.
Sa panig naman ng mga tagatangkilik, isa itong kabiguan kung di masusumpungan sa laybrari bilang serbisyong referens. Isa lang naman ang nais nila - superior library service. Ang koleksyong dijital ay kongkretong serbisyong panglaybrari na superyor. Kung wala nito ang laybrari, di babalik, ikalulungkot ng tagatangkilik at hahantong sa iba na mayroong panggagalingan.
Sa bahay-pahina ng DLSU, http://www.dlsu.edu.ph/library/ ay isang demong onlayn ang nagaganap, at ipinamamalas nito ang isang trayal na akses ng myiLibrary, http://www.myilibrary.com/ – pinaka-komprehensibong onlayn na platform na may e-kontent laman ay higit na 175,000 elektronikong mga libro.
Nauunawaan ng mga laybraryan at ng mga tagalimbag na isa itong kaakit-akit at pambihirang pagmumulan ng impormasyon handog ng laybrari sa mga mambabasa. Napakasimple lamang ang dapat gawin upang magkaroon ng akses: 1. magkaroon ng akawnt at pin; 2. makapagbraws ng mga paksa alinsunod sa sa pagkakahati ng kaalaman sa LC, mula General Works (A) hanggang Bibliography, Library Science, Information Resources (Z) o mamili ng pangalan ng tagalimbag o kaya naman maglagay ng isang paksa sa kahon ng Quick Search para sa sa mas mabilis na paghahanap ng elektronikong libro. Ilan sa mga matutunghayang katangian nito ay ang pagkakaroon ng diksyunaryo, sayteysyon (istilong APA, Chicago, Harvard, MLA) na mismo ang myiLibrary, ang otomatikong gumagawa, paglalaan ng tanda sa mga nabasang pahina, nadadawnlowd din ang mga ito at iba pa.
Dahil sa ito ay elektroniko, ang myiLibrary ay maaakses sa labas o loob ng paaralan, in-campus or off-campus, tulad ng mga elektronikong dyornal na mayroon ang mga pamantasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment