Friday, September 19, 2008

Ikasiyam na Bahagi ng Isang Serye

Walang nakapasa sa ginawang classification literacy test para sa L o Education information sources na may 60 porsiyentong mag-aaral mula sa ikadalawang taon at 40 porsiyento naman mula sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon. Natamo ang 65 porsiyento bilang pinakamataas nang puntos o tatlong tamang sagot na lamang ang kinakailangan upang maipasa ang nabanggit na literacy test. Ang pagsusulit na ito ay isang parte lamang sa ginagawang pananaliksik tungo sa pagsuri, pagkilala upang makamit ang isang hanay ng mga inaasahang kaalaman o learning outcomes sa pagtantiya sa karunungang mayroon ang mga mag-aaral patungkol sa klasipikasyong Library of Congress, lalung-lalo na ang L o klasipikasyong Edukasyon sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon.

Umaasa ang ACRL o American Library Association na ang isang indibiduwal na may literasiya sa impormasyon ay nakakapili ng pinakatamang sistema sa pagkuha ng mga ninanais na impormasyon. Ito ay isang indikasyong hinihingi sa pagganap ng mga pamanatayan ukol sa mga kasanayan para sa Information Literacy at inaasahang ipinamamalas na mabuti na may kagalingan ng bawat mag-aaral.
Natuklasan na isa sa mga pinakamahirap na aytem ay ang pagkaalam sa kasalukuyang bilang o dami ng bibliographic entries na mayroon ang elektronikong katalogo o talaan sa Edukasyon. Kasama dito ang pagkaalam din sa bilang ng mga sangay ng karunungan na nakaugnay sa klasipikasyong Library of Congress; di matunghayang gamit ng I, O, W, X at Y; at interpretasyon ng decimal point sa paghanay ng mga libro at ibang babasahin sa istante.

Batid ng mga mag-aaral na ang L ay ang tamang letra o klasipikasyon na may kaugnayan sa kursong Edukasyon at hindi H - para sa mga agham panlipunan- o P - para naman sa lingguwistika at literatura. May kamalayan ang mga mag-aaral na hindi nahahati sa sampu lamang ang klasipikasyong kanilang nakikita sa aklatan bagaman hindi alam na ito ay binubo ng dalampu’t-isang sangay mula sa klasipikasyong Library of Congress sapagkat mas hayag sa kanila ang sistema at klasipikasyong Dewey Decimal mula elementarya hanggang hayskul.

Nakatutuwang banggitin na 50 porsiyento sa mga mag-aaral ay alam kung ilan ang bibliographic entries na mayroon ang elektronikong katalogo o talaan ang ALLAN C. ORNSTEIN, manunulat ng Strategies for Effective Teaching. Maging ang libro na ang pamagat ay The Magna Carta for Public School Teachers ay naihahanay at nakapuwesto nga sa LB at hindi sa LA.

Mahihinuha mula sa dalawampung aytem na inihanda ang mga kahinaan at kalakasan patungkol sa kamalayan o kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng mga panggagalingan ng mga impormasyon gamit ang L o klasipikasyong Edukasyon.

Pagpapatunay at bilang isang halimbawa, Teaching Science as Continuous Inquiry, Rowe ay matatagpuan sa LB 1585 ng klasipikasyong Library of Congress habang ang Essentials of Elementary Science, Dobey ay nakahanay sa Q 181. Parehong silang nakategorya bilang mga Science information sources sa DDC ngunit may pagbabago kung ang gamit naman ay LC.

Thursday, September 4, 2008

Ikawalong Bahagi ng Isang Serye

Ang pagkakaroon ng isang kurso tulad ng Introduction to University Life ng California State University o Introduction to Lifelong Learning bilang programa para sa mga mababa at mataas na paaaralan sa Pilipinas ay hudyat upang maisakatuparan ang pagyakap ng mga laybraryan sa kampanyang kinakailangan ng Information Literacy.

Ang teacher identity ng laybraryan ng anumang tanggapan ay lubhang maitataguyod dahil na rin sa ang pagtuturo, ayon kay Rockman (2004), ay isang katangi-tanging inaasahang kasanayan na mayroon ang propesyong laybraryan sa kasalukuyang panahon habang dumarami ang hamong nakaakibat sa paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon mula sa walang tigil na pagdaloy ng iba’t-iba at nagbabagong pagmumulan – elektroniko man o tradisyunal – na siyang haharapin ng lahat ng tao. Nakapaloob sa konsepto ng teacher identity ang maraming salik tulad ng preparasyon sa pagtuturo, suporta ng administrasyon, multiple demands at stereotyping bilang isang guro at laybraryan. (Walter, 2005)

Bagamat abala ang mga laybrayan sa pagdidisenyo ng kanyang serbisyo - paghahanap, pagkuha, ebalwasyon at pangangasiwa sa impormasyon at metadata – ang katangi-tanging inaasahang kasanayan gamit ay teaching portfolios ay ginagantimpalaan din at magbubunga ng tagumpay para sa kampanya ng Information Literacy hatid ng isang malusog na kultura ng pagtuturo o healthy culture of teaching sa organisasyong kinabibilangan.

Nararapat lamang na bigyan-diin o palalimin pa ng laybraryan ang kanyang nalaman sa pedagogiya, banghay sa pagtuturo at ebalwasyon ng pagkatuto ng mag-aaral upang maging epektibong mga guro na maghahatid ng literasiya sa impormasyon.

Ayon kay Goodin (1991), ang mga mag-aaral na naturuan ng mga kasanayan sa konteksto ng information literacy ay pumuntos ng higit sa pangkalahatang pagsusulit kaysa sa mga mag-aaral na di naturuan.

Ng ituro ang mga kasanayan sa konteksto ng pagbibigay lunas sa mga suliranin gamit ang impormasyon sa mga asignatura, naging positibo ang epekto nito sa pagkatuto at gawi ng mga mag-aaral. (Todd, 1995)