Tatlo lamang sa pagkahalatang gawain ang kinakailangang ganapin ng isang laybraryan para sa kasalukuyang panahon.
Una, ang pagtatalaga o paglalaan ng mga serbisyo o pagtuturo na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng literasiya sa paggamit ng impormasyon o information literacy. Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng mga modyuls na may kinalaman sa Libary 1.0 at Library 2.0. Ang mga modyul, bilang halimbawa, ay magtatampok ng mga layunin na may kaugnayan sa hypermedia, klasipikasyong L para sa mga guro, plagiarism, elektronikong dyornal, tutorials at iba pa. Malayang maisasakatuparan ang mga layunin batay sa interes o pagpili ng modyul ng sinuman.
Pangalawa, matunghayan ng bawat laybraryan ang demonstrasyon ng malayang pagkatuto o independent learning ng mga tumatangkilik sa mga silid-aklatan tungo sa Ikalawang Buhay o Second Life. Ayon kay Barton, “kitang-kita sa kanila ang pagpupumilit na mahanap ang impormasyon at ang kahusayan sa paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon. Dahil dito, kanilang binubuo unti-unti ang mga personal na landas tungo sa karunungan at makalikha ng kulturang mapag-usisa na nagbibigay-diin sa paglikom at paggamit ng datos o anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. (Wikipedia) Mababatid na sa panahong ito, ang mga laybraryan at silid aklatan ay handang tumungo kung nasaan sila upang maipaalam ang anumang serbisyong angkin at malaman na rin kung ano ang gusto at di gusto ng mga tagatangkilik.
Ikatlo ay maipamalas ng bawat indibiduwal ang awtentikong pagkalinga sa lipunang kanyang ginagalawan o social responsibility taglay ang literasiya sa impormasyon. Lahat ng mga sangkap, koleksyon, pondo at bisyon, ayon kay Andersen, ay taglay na ng mga silid-aklatan at laybraryan. Kinakailangan na lamang ang kadalub-hasaan sa pagtuturo, pagsasanay at makagawa ng mga “information literacy power material packages” para sa lahat.
Sa angking kagalingan ng mga tagatangkilik sa aspeto ng paggamit ng impormasyon, kasama ng iba’t-ibang teknolohiya ay nararapat lamang na isaalang-alang ang utilitarianismo, perspektibo ng batas, maging ang relihiyon o paniniwalang ispirituwal ng kapwa at iba pa. Ito ay lubhang ninanais sa gitna ng pagsibol ng bagong henerasyon na nagpapakilala ng mga anyo ng ekspektasyon, ugali sa pagkatuto at sariling paniniwala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment