“Wala kaming desk top. Matagal na naming ni-request ngunit hanggang ngayon ay di pa rin sinasagot ng administrasyon. Mahirap kayang maging cybraryan sa gitna ng lumalalang krisis sa decision-making ng mga nasa itaas. Kompyuter lang naman di pa maibigay! Kay laking ginhawa ang dulot nito sa aming mga laybraryan sapagkat mauuna kami at mapapadali ang pagtugon sa anumang hinihiling na impormasyon ng bawat kliyente namin sa araw-araw. Ito ay natural na mga wika ng isang laybraryan sa kasalukuyang panahon na ang nais lamang mapabilis ang paghahanap ng mga bibliographic entries sa pamagitan ng isang on-line public access catalog.”
“Inalis ng aming prinsipal ang Internet facility na mayroon ang aking kompyuter. Naka-anim na buwan din ito sa silid-akltan at nakatulong sa akin sa paghahanap ng mga databases upang mapadami ko ang serbisyo nito. Hindi ko na nga ma-eeksplor ang http://www.skoool.ph/ ng libre. Ito ay ang bagong hypermedia na gawa ng Intel, Adopt-A-School at ng DepEd. Nagiging tampulan kasi ito ng mga intriga kasama ng inggit ng iba pang miyembro ng komunidad. Ang sabi nila na may mga guro sa Departamento ng Agham ang hindi umaayon sa paglalagak ng computer unit sa silid-aklatan. Nararapat lamang daw na ito ay ilagay sa nabanggit na departamento upang maging bahagi ng kanilang programa.”
“Sayang ang aking mga db blogs at hindi na ito mapapakinabangan ng mga mag-aaral dito sa pamantasan. Isesentralays na kasi ang mga computers sa isang lugar. Ibabalik na ang aking desk top bilang OPAC unit at maaantala ang desktop publishing ng Library Daily gamit ang Microsoft Publisher na aking tinatapos. Mahirap pa namang dumako sa kabilang gusali para sa libreng gamit ng computers at 15 minutes din iyon – panaog at pabalik. Mahal ngayon ang USB at pambili din iyon ng diaper ng aking mga anak o 14 kilos ng bigas sa pilahan ng NFA rice sa palengke tuwing alas dos.”
“Nag-kakatalog na naman siya ng libro para sa kanyang part-time work gamit ang oras niya dito at Internet kaya di ako makapag-Access. Minsan inuuwi niya ang laptop ng library dala hanggang Bataan para sa kanyang consultative work doon. Ang pagkakaalam ko mali ito sa code of ethics ng mga laybraryan."
Mayroong kamalayan sa Library 2.0 ang mga nagsasalitang ito at mababanaag ang kahirapang dulot ng pagkadarahop sa pangunahing information tool ng kasalukuyang panahon – ang mga kompyuter, pasilidad sa Internet, gawi at iba pa. Ilan lang ito sa maaring sumalamin sa library poverty na mayroon sa buong kapuloan.
Tuesday, July 29, 2008
Thursday, July 3, 2008
Ikalimang Bahagi ng Isang Serye
Tatlo lamang sa pagkahalatang gawain ang kinakailangang ganapin ng isang laybraryan para sa kasalukuyang panahon.
Una, ang pagtatalaga o paglalaan ng mga serbisyo o pagtuturo na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng literasiya sa paggamit ng impormasyon o information literacy. Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng mga modyuls na may kinalaman sa Libary 1.0 at Library 2.0. Ang mga modyul, bilang halimbawa, ay magtatampok ng mga layunin na may kaugnayan sa hypermedia, klasipikasyong L para sa mga guro, plagiarism, elektronikong dyornal, tutorials at iba pa. Malayang maisasakatuparan ang mga layunin batay sa interes o pagpili ng modyul ng sinuman.
Pangalawa, matunghayan ng bawat laybraryan ang demonstrasyon ng malayang pagkatuto o independent learning ng mga tumatangkilik sa mga silid-aklatan tungo sa Ikalawang Buhay o Second Life. Ayon kay Barton, “kitang-kita sa kanila ang pagpupumilit na mahanap ang impormasyon at ang kahusayan sa paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon. Dahil dito, kanilang binubuo unti-unti ang mga personal na landas tungo sa karunungan at makalikha ng kulturang mapag-usisa na nagbibigay-diin sa paglikom at paggamit ng datos o anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. (Wikipedia) Mababatid na sa panahong ito, ang mga laybraryan at silid aklatan ay handang tumungo kung nasaan sila upang maipaalam ang anumang serbisyong angkin at malaman na rin kung ano ang gusto at di gusto ng mga tagatangkilik.
Ikatlo ay maipamalas ng bawat indibiduwal ang awtentikong pagkalinga sa lipunang kanyang ginagalawan o social responsibility taglay ang literasiya sa impormasyon. Lahat ng mga sangkap, koleksyon, pondo at bisyon, ayon kay Andersen, ay taglay na ng mga silid-aklatan at laybraryan. Kinakailangan na lamang ang kadalub-hasaan sa pagtuturo, pagsasanay at makagawa ng mga “information literacy power material packages” para sa lahat.
Sa angking kagalingan ng mga tagatangkilik sa aspeto ng paggamit ng impormasyon, kasama ng iba’t-ibang teknolohiya ay nararapat lamang na isaalang-alang ang utilitarianismo, perspektibo ng batas, maging ang relihiyon o paniniwalang ispirituwal ng kapwa at iba pa. Ito ay lubhang ninanais sa gitna ng pagsibol ng bagong henerasyon na nagpapakilala ng mga anyo ng ekspektasyon, ugali sa pagkatuto at sariling paniniwala.

Subscribe to:
Posts (Atom)