Saturday, June 16, 2012


Si G. Hickok, Laybraryang Filipino sa TJIC at ang AdU Library Nitong Biyernes

Kalugud-lugod ang mga inobasyong nagaganap sa bansang Amerika na inihayag ni G. John Hickok, isang fakulti-laybraryan ng California State University kamakailan sa mga nagsipagdalo ng kanyang lektiyur noong biyernes (Hunyo 15) biyayang pagtitipon mula sa Thomas Jefferson Information Center sa pangunguna ng kanilang direktora na si Bb. Reysa P. Alenzuela.

Hindi mapapasubali na ang mga nabanggit na takbo ng panahon o mga pinakamausay na kasanayan sambit ni Hickok ay nilulunggati o kasalukuyang bahagi sa direksyon na inaasam ng bawat laybrari sa Pilipinas o sa buong Asya, pampubliko o pribado man.  

Isang malaking halimbawa: nahaharap sa malaking hamon ang mga laybraryan na paigtingin ng higit pa ang kanilang bahagi bilang mga guro tungo sa layuning pang-IL sa kadahilanang ang kaligirang kasaysayan ng ating mga tagatangkilik ay dulot ng pagkakaroon ng kapangyarihan at akses sa bulto-bultong mga elektronikong pagmumulan, sa loob at labas man ng silid-aklatan.  Di magiging kayaman-yaman sa karanasan ng pangkasalukuyang mambabasa kung walang tekst o Chat, onlayn na tsutoryal o vidyo, pathfinder at iba pa ang sentro ng kanyang pananaliksik at kaalaman, ang laybrari.  

Hinihimok ang lahat na maging proaktivo sa kanilang serbisyong referens baluti ay isang ganap na programang pang-edukasyon kaakibat ang mga pamamaraang bago tulad ng FB, twitter, YouTube, flicker, RSS, makaganyak gamit ang marketing at mapanatili ang loyalti ng komunidad angkin ang pag-ibig sa mga lugar na kung saan naroroon ang mga laybraryan. 

Tulad ng laybrari ng Adamson University kung saan ang pinaplanong brand ay “Successful Research Begins Here,” bilang halimbawa ay isang istratehiyang coupon-based ang laan upang mahikayat ang higit sa labinlimang-libong estudyante na magtsek-awt ng libro para sa proyektong: Every Adamsonian Checks Out Books.  Ito ay pagbibigay ng isang kupon sa tagatangkilik sa bawat librong hihiramin.  Mas maraming librong mailalabas ng isang mambabasa, mas maraming tsansang magwagi di lamang ng kendi, pamaypay o bolpen, libro, key chain kundi USB, ipod o Wilfone na rin sa buwanang rafol, semestral, grand o taunan.   

Isa pa ay ilang araw na lamang ay magsisilbi at maghahandog ang mga laybraryan ng AdU ng isang roving reference service na may sash at nakaguhit ay ASK ME upang ibalandra at ipaalam, sa labas at loob ng laybrari, ang mga mabubuti at napakaraming mga programang handog na may kinalaman sa mga koleksyon, pasilidad, at serbisyo, onlayn at di man.    

Ayon kay Hickok, siya man ay isang roving man ng kanyang pamantasan na umaaligid-ligid, lumalapit at personal na humaharap at nagtatanong mesa sa mesa.  Maaring simulan ito sa pangungusap na “How may I help you?” habang hawak ang isang laptap, nakawin ang pagkakatong maisakatuparan ang layuning pang-IL at maging matagumpay sa aspetong CRM o customer relationship management.
 
Ang isang sikreto ng ating industriya na aking napagtanto at kumpirmado bunsod na rin ng programang-TJIC na ito na  upang maging waging-wagi sa larangan ng laybraryanship ay ang patuloy na maging produktivo o proaktiv, mag-invest ang laybrari sa larangan ng edukasyon ng mambabasa o tagatangkilik at sapat-sapat ang husay na istrategikong planong pangmarketing.

Ang manunulat ay nakadalo kasama ang kanyang direktor na si Gng. Delia B. Calimag at kapwa laybraryan na si G. Nelson Hermogenes ng AdU sa programang TJIC sa lektiyur ni G. John Hickok  na pinamagatang: Latest Trends and Innovations in American Libraries, bulwagan ng U.S. Embassy sa siyudad ng Pasay noong Hunyo 15, 2012.