Likha ng kapangyarihan ng libro, impormasyon, komunikasyon at teknolohiya ang pinakamainam na regalo ng globalisasyon sa sangkatauhan. Ito ay ang literasiyang sosyal na kasinghalaga ng literasiyang kultural, pambisnes at personal.
Ayon kay Baricaua (2002), ito ay isang regalong lubos na kapaki-pakinabang at isang hamon sa lahat at makapagbubukas ng isang kapangyarihang dulot ng pinagsamasamang kahusayan dahil:
mapagsasama-sama nito ang iba-t-ibang pag-iisip ng mga tao sa mundo; at,
mailalahok ang mga tinuturing ekstra ordinaryong indibiduwal, maitatalaga sila para sa mga mga mahahalagang gawain, mapauugnay-ugnay ang kani-kanilang mga karunungan, at maakit silang gumawa ng mga kadaki-dakilang mga bagay.
Ngunit inaasahang otentikong handa ang sinumang nais mapasabak at naglalayong maging kaisa sa mga nilulunggating bunga ng isang mabilis at progresibong pagbabago na inilahad ni Wagner (2004) sa kanyang librong Change Leadership: A Practical Guide to Transforming Our Schools.
Nararapat lamang na may tunay na pagkaunawa sa kanyang sarili (self-awareness), paglago (self-renewal) at pagpapahalaga (self-esteem) upang mapabilang at makapaglingkod ng napakahusay batid ang walang hanggang pagsabog o tuloy-tuloy na pagdaloy ng impormasyon o kaalaman sa isang global na lipunan.
Maaaring gumamit siya ng mga mantrang makapagdudulot ng katibayang-loob upang di gumanti o maghasik ng negatibong enerhiya sa sinuman. Tulad ng I will think before I speak tuwing Miyerkules o kung nasa harapan ng bumubulyaw na kapwa manggagawa at To speak gently and politely and not rudely or harshly is my art of speaking tuwing Sabado o kung sa tuwina’y nagugulantang sa reklamo ng isang kostumer ng laybrari. Ang iba pa ay ang mga sumusunod: I love myself and I should injure no one, pag Lunes; I can conquer myself and be the greatest of all the conquerors, Martes; tuwing Huwebes naman ay, I am a man who knows how to avoid problems by being careful about what I say; at sa araw ng Biyernes: I have controlled thoughts, I have controlled words, I have controlled actions. Controlled thoughts, controlled words, controlled actions make me harmless and noble. Ang panglinggong mantra ay personal na gawa at di babanggitin at ihahayag sapagkat ito’y isang lihim sa ilan lamang sinasabi. Ito ay isinahalimbawa na ng mga kilala nating o pamosong personalidad kagaya nina:
Socrates: dahil sa kakaibang gamit ng kanyang tinig, napapanatili niya ang pakikinig ng balana, at pwedeng gayahin ang kanyang paraan sa pagpapaamo sa isang makulit na asawa;
Jesukristo, ang Dakilang Guro at mapagmahal sa mga bata: ay walang kinikilingan. Matututo ang mga laybraryan at iba pang kawani ng laybrari kay Hesus kung paano mag-estima ng kliyente. Inilalagak ni Hesus sa kanyang bisig ang mga bata, pinagpapala, inaaruga na siya rin namang ipinamalas ng buong puso ni Saint John Baptist de La Salle noong kanyang kapanahunan; at,
si Gandi, katangi-tanging lider mula sa India, ayaw sa karahasan at tagapagtaguyod ng disiplinang katanggap para sa sarili.
Dahil sa kanilang kahinahunan, bagaman si Socrates ay nilason, pinako si Hesus sa krus at naasasineyt si Gandhi, naikintal at naiugat sa sandaigdigan ang imaheng sa isang global na lipunan ay nililiyag na masasaksihan lalung-lalo na sa ating kapanhunan tulay ang libro, impormayon, komunikasyon at teknolohiya.
Base sa apat na araw na pagdalaw sa Temasek o Singapore, ang aming mga nakasalamuha, Instik, Malay o Indiyan, ay marubdob na gumagamit ng teknikong salik ang malalim na refleksyon na kitang-kita sa disenyo ng kanilang sistemang pang-edukasyon. Saliksikin kung mapupuna o masisilip sa pag-aaral at pagtutro ang estratehiyang gamit ang mantra o hindi.
Tagumpay ang Delor’s Report (1972) sa pagpapaalam at paghahanda sa lahat sa rebolusyong nararanasan sa kasalukuyan. Nawa’y sumasagi sa ating isip ang mga maiikling mga salita tulad ng LEARNING TO KNOW, LEARNING TO DO, LEARNING TO LIVE at LEARNING TO BE ng Unesco na bonggang-bongga namang inilakip o inilalako, sadya man o hindi, sa mga programang IL o information literacy.
Naniniwala si Moore (2008) na maitatas ng pagbabasa ang kamalayan at mapapahalagahan ang pagkakaibang kultural. Mula sa mga nabasa sa maraming taon, malalim ang naging dulot nito sa kanya. Nalaman niya ang iba’t-ibang perspektibo ng mga tao at mga lugar sa mundo sa pamamagitan ng pagbabasa.
Kinakailangang may literasiya, di lamang sa kulturang atin bagkus may alam sa kulturang di atin ang nag-iisip global o nagnanais na maging bahagi ng isang global na lipunan. Ang maging sensitibo sa damdamin, o paggalang sa lokal na paniniwala ng mga taga-Thailand, paghawak sa ulo, o taga-Indonesia, pag-uusap tungkol sa relihiyon at pulitika, lalo pa’t kung ikay bisita ay kahanga-hanga. Ang pagpuri o matuwa sa uri ng water-recycling mayroon ang mga Singgaporyan ay pagkilala sa kabutihan ng mga taga-Malaysia dahil na rin sa kakulangan ng yamang pangkalikasan ng bansang import ng import. Ang sinumang Pilipino na dadako at maglalakbay sa mga bansang nabanggit at ang mga iba pa ay pinapayuhang alamin at dalhin ang mga mabubuting bagay na maaring makatulong sa ikauunlad na rin ng bansang ang ating sinilangan, ang Pilipinas.
Ang manunulat ay naging panauhing tagapagsalita ng Mapua Institute ng Intramuros para sa kanilang ika-76 na selebrasyon ng Buwan ng Libro noong Nobyembre 19, 2010 na dinaluhan naman ng napakarami at napakadisiplinadong tagapakinig na mga mag-aaral ng Engineering kasama ang mga napakasuportiv na mga guro sa mga programang proyekto ng mga maasikasong mga kawani ng laybrari ng Mapua Institute of Technology. Naging referens naman ng manunulat ang librong Globalization and Its Impact on Work and Career (2002) sa pagbuo ng sulating ito at halaw sa librong Why Worry? ni Dhammananda (1988) ang anim (6) na mantrang nabanggit dito.
ANG LAYBRARI SA KASALUKUYANG PANAHON
Ikalabing-dalawang Bahagi ng Ikatlong Serye (III:12, 2010 Disyembre)
Sunday, November 21, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)