Bien, Bien sa Laybrari ng DLSU
Terapyutik ang tagiktik ng musika sa espasyong ito ng laybrari para kay Bien (1911-1996). Dito maaring makaniig ng mambabasa, mapanood at marinig ang walumput-limang taong gulang na manunulat na hayag ang kanyang mga sentimiyento, hiling at hangad na masasalamin sa kanyang mga naisulat – bahagi na ng Panitikan ng Pilipinas sa Wikang Ingles.
Dalawa sa kanyang mga nobela - What the hell for you left your heart in San Francisco at Villa Magdalena- ay kasalukuyang on-loan habang tatlumput-walo ang aveylabol na masusulyapan sa http://lib1000.dlsu.edu.ph/search/a na mayroong 63 porsyentong HIGHLY RELEVANT ENTRIES; 14, MOST RELEVANT ENTRIES; at, 23 na RELEVANT ENTRIES.
May kalungkutang hatid, kita sa dingding at naiilawan ang ikalawang taludtod ng tulang Paper Boat Poems na pinamagatang Maiden Voyage mula sa popyular niyang Scent of Apples: A Collection of Short Stories (1979) at ayon ditto ay di kailanman kaya ng isang bangkang papel na maihatid pabalik sa kanyang tahanan ang wala nang buhay.
Nakakahon sa glass ang kanyang clay bust at sa ilalim nito ay ang kanyang mga obra - mga nobela, The Volcano (1965); Villa Magdalena (1965); The Praying Man (1977); The Man Who (Thought He) Looked Like Robert Taylor (1983); at What the Hell for You Left Your Heart in San Francisco? (1987; mga tula The Wounded Stag (1956); Distances in Time (1983); koleksyon ng mga maikling katha, Scent of Apples; Memory’s Fictions: A Personal History (1993), Postscript to a Saintly Life (1994), Letters: Book 1 (1995) at Book 2 (1996).
Labing-anim (16) na libro lamang ang kinakailangan upang makitaghoy, damhin ang dalamhati, maging mausisa sa mga sentimyento, hiling at hangad ni Manong Bien: apat (4) ay otobayograpiya; dalawang (2) koleksyon ng mga tula; limang (5) koleksyon ng mga maiikling kuwento tulad ng You Lovely People (1955), Brother, My Brother (1960), The Day the Dancers Came (1961), at Dwell in the Wilderness (1985); at limang (5) mga nabanggit na nobela.
Ang pagkakataong mabasa ang librong isinulat ni Isagani R. Cruz na may pamagat na The Lovely Bienvenido N. Santos ay paghahandog ng oras upang makilala ng lubusan ang isang pensyonado ng kanyang panahon. Mga siyamnapung porsyento sa aklat na ito ay mga salita mula mismo kay Ginoong Santos (WikiPilipinas). Malalaman din dito ang nakatutuwang sagot ni Bien kung bakit di siya nagawaran bilang isang National Artist, at anong nobela ang naghatid sa kanya upang manatili sa Estados Unidos upang maiwasan ang posibleng pagka-aresto.
Nabanggit ni Bien kay Fabia na ang mga babae sa Pilipinas ay may takot sa Diyos, tapat, mahinhin at mabubuti. Maiinam na mga salita at kapahayagan lamang ang mahihinuha sa mga pagsasalarawan ni Bienvenido Nuqui Santos patungkol sa kapwa Pilipino at sa bayang Pilipinas. Di mararamdaman o mapapanagimpan ang anumang anyo ng poot o galit bagkus pagkalinga, pagbabalik-tanaw o paglalambing sa angking nakaraan o kanyang pangarap o nais na maunawaan. (I want to be understood -Bienvenido N. Santos)
Tuesday, October 6, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)