Friday, July 10, 2009

Ikatlong Bahagi ng Ikatlong Serye (III:3, 2010 Marso)

Normal ang makaramdam ng pagkabalisa ang isang laybraryan sa kanyang paghahanda para sa LIBOR ng pamantasan. Pinangangambahan niya ang kawalan ng methods sa pagtuturo. Ayon sa isang kapwa laybraryan na minsan nabanggit na ang takot ay maling gamit ng imahinasyon. Tama nga naman. Kung uunahan ka ng takot na tunay nga namang maling gamit ng imahinasyon, ang pansariling paghahanda para sa isang matagumpay na library orientation ay di makakamit. Totoo na kinakailangan ng methods sa pagtuturo ngunit kung batid ang apat na sumusunod ay sapat na muna upang maging komportable, pursigihin ang sarili at ipagpasalamat ang pagkakataon na makadaupang palad ang mga tagatangkilik ng laybrari ng mas malapitan at may aktwal na interaksyon:

1. nawa’y maging daluyan ng impormasyon, o maging informative; lubhang ikinabigla ng mga Engineering students ang maaring epekto ng di paggamit ng mga elektronikong deytabeys. Nahamon kasi sila ng tagapagsalita na magkaroon ng regular na pagbabasa ng mga elektronikong dyornal dahil ayon dito: a student who doesn’t have access to electronic databases is less a student. Mayroon silang mahigit na isang libo at isandaang taytel sa Engineering - kung gagamitin bilang keyword- na mga dyornal na anumang oras ay maaring ieksplor kung mayroong MyLibrary Account. Napagtanto rin ng tagapagsalita na halos ang mga tagapakinig ay wala nito. Ikinagalak naman ng mga mag-aaral ang balitang pwedeng masusumpungan di lamang InCampus ang mababanggit na mga agregeytor bagkus pati OffCampus man: Academic Search Complete, ACM Digital Library Core Package, Business Source Complete, Complete Science Direct Freedom Collection, IEEE/IET Electronic Library at ProQuest Research Library.

2. makaaliw sa lahat ang e-durungawang mayroon ang laybrari, o be entertaining; nasa homepage ng laybrari di lamang ang isang onlayn na tsutoryal para sa renewal bagkus maging ang 17-minute na bidyo na lubhang ikinasiya at pinalakpan ng mga mag-aaral ng ECE noong Hulyo 7. Kumpleto ang nilalaman nito lakip ang magandang odyo at musika. Layunin nito na ipakita at maging pamilyar ang lahat sa mga mahahalagang pagmumulan ng impormasyon, print o elektroniko; pasilidad at serbisyong mayroon ang laybrari, pagtuturo sa paggamit ng online public access catalog o OPAC at e-deytabeys; at matanggap ang kamalayan sa mga pamantayan at pamamaraang panglaybrari. Inilantad din nito na maaring simulan ang pananaliksik via Webfeat, via Database Aggregators, via Electronic Journals at via OPAC ng http://www.dlsu.edu.ph/library/ . Ang uniform resource locator o URL na ito ay isang onlayn na information commons, o isang one-stop shop para sa mga mag-aaral man o hindi, na nagnanasang masilip di lamang ang mga elektronikong serbisyo bagkus matuklasan na ang sinuman ay maaaring handugan ng katanggap-tangap na paglilingkod ng mga kawani ng laybrari.

3. makapagbigay lugod sa sinuman o be inspiring; ipinaala sa mga estudyante na ang bawat isa ay pinaglaanan ng kanya-kanyang mga gawain sa araw-araw: proyekto, work outputs, asignatura, reading tasks, pananaliksik, exposures and outreaches, at marami pang iba, mula unang taon hanggang matapos ang kursong napili, at ang kabigatan o kagaangan sa pagharap sa mga ito ay hindi dumidipende sa mga nakapaligid – guro, laybraryan, administreytor, kaibigan at pamilya- kundi nasa kamay at pagsisigasig na rin na nagmumula sa sarili. Ang laybrari, tulad ng nabanggit sa naipresentang bidyo, ay isang pagmumulan ng karunungan o kaalaman na handang maging bahagi upang makapagtapos ng matagumpay ang isang nagpapakadalubhasa sa loob o labas man ng pamantasan.

4. maging persuasive; ginaganyak ng laybraryan ang mga tagapakinig na maghain ng complains kung nararapat. Isa ang laybrari sa handang makinig at harapin ang pagbabagong nililiyag, lalung-lalo na sa aspeto ng pakikipagniig o pagharap sa mga hiling o wishes, pagnanasa o desires at sentimyento o sentiments ng mga tagatangkilik. Tanging ang publiko ang inaasahan upang magsiganap ang mga kawani at maging ganap ang katauhang inaasam ng isang laybrari na hinuha mula sa V-M-G ng institusyong pang-edukasyon. Tanging ang mga tagatangkilik ang inaasahang pupuno sa mga espasyo at makitang aktibo ang lahat lahok ang serbisyo o programa na mayroon ang laybrari. Tanging ang mga mambabasa ang susuyod at mag-uugat ng kailangan sa gitna ng libo-libong elektronikong materyal na masusing pinili ng mga may otoridad sa akwisisyon nito.

Maging informative, nakaaaliw, be inspiring at maging persuasive din ay apat lamang sa mga yunibersal na hamon upang maging masigla, kalusog-lusog at mabiyaya ang LIBOR ng bawat laybrari. Ugatin, gamitin, at isapamuhay unti-unti ang mga ito.


May apat na sesyon o klase ang manunulat kasama ang mga nagpapakadalubhasa sa kursong Engineering para sa kanilang LIBOR na ginanap noong Hulyo 7, 9, 14 at 16, 2009 sa European Documentation Center ng Laybrari ng DLSU, Taft, Manila.