Nakamamangha ang bibliographic powers ng isang laybraryan sa kasalukuyang panahon. Ito ang nagbibigay sa kanya ng distinksyon bilang isang propesyunal sa larangan ng impormasyon. Tila isa siyang manggagamot na may handang preskrispsyon sa sinumang maghahanap ng lunas sa sakit na taglay.
Nakatutuwa na dina mabilang ang mga datos na kanyang isinulat sa aking library card bilang katibayan ng kanyang kagalingan. Tinanong ko siya minsan kung nasaan ang mga libro sa Kurikulum at walang pikit mata niyang inilagay ang LB 1570 at LB 2806.15 na siyang aking ikinagulat. Hindi man lamang niya kinosulta o dutdutin ang desk top na may online public access catalog sa kanyang harapan. Ang bahagi ng silid-aklatan na ito ay may higit na 4,764 na babasahin o information sources sa Edukasyon, at madalas akong bumibisita dito para sa aking mga pananaliksik. May mga options pa nga siyang binabangit. Naghahanap ako minsan ng mga counseling books at nabanggit niya kung ito ay “counseling across all professions” o “counseling for an education course.” Sapagkat sa unang nabanggit, ayon sa kanya, matatagpuan ang mga libro sa kabilang silid at BF 637 ang klasipikasyon habang ang huli ay dito nga sa seksyon ng Edukasyon na nakahanay sa LB 1027.5.
Siyam kami na nakapila, ikapito ako at nasaksihan ko ang bawat datos na kanyang isinusulat sa bawat libary card. Ayon sa kanya, ang LB 1025 ay para sa Teaching strategies; LB 3025, Classroom Management; LB 1051, Educational Psychology; LB 15, Encyclopedia of Education kasama ang mga dictionaries; LB 3051 naman ay Measurement & Evaluation.
Hiningi niya ang aking e-mail address at kung nais ko raw ay padadlahan niya ako ng mga e-journals sa Edukasyon na open access, free full-text, quality controlled scientific at scholarly journals na isa-isa niyang binanggit na aming ikinagalak na marinig dahil libre, pwedeng i-download, buo ang teksto, may kalidad at scholarly nga.
80 porsiyentong literasiya sa L o Education information sources ay sapat na upang ikagalak ng mga mambabasa ang kahusayan ng isang laybraryan sa kasalukuyang panahon. Sa anumang proseso, kasanayan o serbisyo, tulad sa sitwasyong inilarawan, inaasahan na magagampanan ng laybraryan ito ng labis-labis at batid niya na nasa tagatangkilik ang pinal na ebalwasyon.
Kinakailangan ang masusing assessment upang matukoy at malaman ang lawak ng kaalaman o kakayahan gamit ang isang rubriko bilang batayan para sa pansariling pagsukat, repleksyon at pagsusuri kasama ng iba.
Wednesday, August 13, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)