Ang mga bagong panukala ay kailangan ipamalas pagkatapos makaranas ng mga pagbabago. (Garcia, 2006) Mula sa isang pamantayang sosyal hangggang maging kasanayan, "ang pagsalin ng inobasyon at teknolohiya ay nagdulot ng panibagong pakikibahagi ang laybraryan higit bilang tagapaghatid o tagapamagitan ng impormasyon. Ito ay bunga ng pagiging MALIKHAIN, pagkakaroon ng malalim na PAGNANAIS kaakibat ang angking IMAHINASYON at kakayahang MAKIPAGSAPALARAN o MAGBAGO ay ilan lamang sa mga personal na umuudyok sa isang laybraryan upang hanapin ang sarili at magtagumpay. Naniniwala ang pangkasalukyang laybraryansa sinabi ni Edward de Bono, "sinuman ang nabubuhay sa nakaraan, siya ay walang kinabukasan."
Ang laybraryan, upang mapabilang, umasam at higit sa lahat, makabuo ng pagbabago ay kinakailangang matuto paano makaalam kaalinsabay nito ang pagkatuto sa pagbabago na kinakailangan maganap sa mga aklatan. (Garcia, 2006) Ito ay pinapatotohanan ng laybraryan mismo sa pagbuo ng mga mabubuti at karaniwang palakad at pinakamahusay na mga kasanayan sa bawat layuning natuklasan mula sa teknolohiya na kanyangginagamit upang ang sobrang paggastos ay maiwasan, magkaroon ng tamang pamumuhunan sa oras, at maragdagan ang kahusayan at kakayahan sa paggawa.
Kinakailangan at isang katotohanan na malaki ang nagagawa para sa mga aklatan ang pagpapaalam sa komunidad ng anumang serbisyo na mayroon ang mga ito. Inilalagay nito sa isipan ng balana na ang aklatan ay puntahan o lugar para sa impormasyon at matutulungan sila na maunawaan ang iba pang maaaring tangkilikin mula dito. (Arlante, 2006)
Thursday, March 6, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)